Magsimula na sa Airbnb

Alamin kung paano magsimulang mag-host, mula sa paggawa ng listing mo hanggang sa paghahanda ng iyong tuluyan.
Ni Airbnb noong Dis 18, 2019
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Set 2, 2021

Mga Katangi-tanging Feature

  • Alamin ang mga lokal na regulasyon ukol sa pagpapagamit ng tuluyan

  • Itakda ang iyong presyo kada gabi at i-set up ang iyong kalendaryo

  • Ipakita kung ano ang katangi-tangi at nakakaaliw sa iyong listing

  • Magligpit, mag-stock ng mga pangunahing kailangan, at magbigay ng malinaw na mga alituntunin sa tuluyan

Gawin ang iyong listing

Isipin mo na lang, ang listing mo ang advertisement para sa iyong tuluyan. Gawin itong nakakaengganyo nang hindi itinatago ang ilang bagay tungkol dito.

  • Magsimula sa mga pangunahing bagay. Ilagay ang mga detalye tulad ng lokasyon ng iyong tuluyan, kung anong uri ng property ang inaalok mo, at ang bilang ng magagamit na kuwarto at banyo ng iyong mga bisita.
  • Kunan ng mga litrato ang tuluyan. Gustong-gusto ng mga bisita na nagba-browse ng mga litrato kapag nagdedesisyon kung saan sila mamamalagi. Para magkaroon ng magagandang kuha, ayusin muna ang iyong tuluyan. Kunan ng litrato ang bawat bahagi, gamit ang natural na liwanag at hangga't maaari, nang naka-landscape.
  • Itampok ang mga pambihirang detalye. Kapag isinusulat mo ang pamagat at paglalarawan ng iyong listing, isipin mo kung ano ang ikinatatangi ng iyong lugar, gaya ng tanawin o pool. Ipaalam din ang anumang nakasaad sa iyong paglalarawan na mahalagang malaman ng mga bisita bago sila mag-book, tulad ng mga hagdan o paradahan.

Isaayos ang detalye

Susunod, ihahanda mo na ang lahat ng detalye para sa listing mo nang sa gayon, walang maging aberya sa proseso ng pagho-host.

Ihanda ang iyong tuluyan

'Di mahalaga kung nakakaisa ka pa lang o nakakaisandaan nang bisita, ito ang mga hakbang na kakailanganin mong gawin para matiyak na handa na ang iyong tuluyan.

  • Magligpit. Linisin ang bawat kuwartong magagamit ng mga bisita, lalo na ang mga tulugan, banyo, at kusina. Tiyaking walang buhok, alikabok, o amag sa mga ibabaw at sahig, at lagyan ng bagong sapin ang (mga) higaan.
  • Itabi ang mahahalaga mong gamit. Kung mayroon kang alahas, mga pasaporte, o iba pang mahahalagang gamit, itago ang mga ito sa nakakandadong kuwarto, aparador, kaha de yero, o imbakan. O kaya puwede mong iwan muna ang mga ito sa kapamilya o mga kaibigan.
  • Mag-stock ng mga pangunahing kailangan. Para hindi manibago ang mga bisita, magbigay ng mga amendidad tulad ng sabon, shampoo, toilet paper, mga kobre-kama, at mga tuwalya. Hindi rin masama kung maghanda ka ng sobra.
  • Magbigay ng mga detalye ng pag-check in. Maging handa sa pag-check in at pag-check out ng mga bisita, o humingi ng tulong sa mga kaibigan o kapamilya. Kung walang makakatulong sa iyo, puwede ka namang gumamit ng lockbox o elektronikong kandado at magbigay sa mga bisita ng mga tagubilin sa pag-check in sa Airbnb app.
  • Magdagdag ng mga huling detalye sa pagpapaganda. Gustong-gusto ng mga bisita ang mga detalyeng pinag-isipang mabuti. Makakatulong ang manwal ng tuluyan na may mga tagubilin at tip para magabayan ang mga bisita. Maipapadama mo ang mainit na pagtanggap sa mga bisita kung mayroon kang bote ng wine o maliit na regalo para sa kanila, pero hindi talaga ito kinakailangan.

Kapag na-set up mo na ang iyong listing at tuluyan, handa ka na para magsimulang tumanggap ng mga bisita at kumita!

Mga Katangi-tanging Feature

  • Alamin ang mga lokal na regulasyon ukol sa pagpapagamit ng tuluyan

  • Itakda ang iyong presyo kada gabi at i-set up ang iyong kalendaryo

  • Ipakita kung ano ang katangi-tangi at nakakaaliw sa iyong listing

  • Magligpit, mag-stock ng mga pangunahing kailangan, at magbigay ng malinaw na mga alituntunin sa tuluyan

Airbnb
Dis 18, 2019
Nakatulong ba ito?