Angkop ba para sa Airbnb ang aking tuluyan?

May perpektong bisita para sa bawat tuluyan—kailangan lang, maging malinaw sa mga dapat asahan.
Ni Airbnb noong Ene 6, 2020
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Okt 4, 2022

Mga Katangi-tanging Feature

  • Puwede kang mag-alok ng pribado o pinaghahatiang kuwarto, ng buong bahay, o pambihirang tuluyan

    • Kailangan lang ng komportableng tulugan at banyo

      • Itakda ang mga inaasahan sa pamamagitan ng pagiging tapat tungkol sa mga positibo at negatibong punto ng iyong tuluyan

      Maaaring hindi mo aakalaing magiging patok sa Airbnb ang ekstrang kuwarto o komportableng bangkang de-layag, pero may iba't ibang uri ng tuluyan—mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakakakaiba—ang nakakaengganyo sa mga bisita.

      Anumang uri ng tuluyan ang mayroon ka, napakahalagang gumawa ng komportableng lugar na matutulugan kung saan gusto mo ring mamalagi—at mahalagang magkaroon ng detalyadong paglalarawan ng listing na itinatampok ang kagandahan ng iyong tuluyan.

      Magsimula sa mga pangunahing bagay

      Kadalasan, hanap ng mga bisita ang may malinis at komportableng tulugan at magagamit na banyo. Hindi lahat ng lugar na naka-list sa Airbnb ay may kusina, pero kung may magagamit na kusina ang mga bisita mo, isaad kung kumpletong kusina o maliit na kusina ito.

      Magbahagi ng anumang tuluyan

      Puwedeng maging host sa Airbnb ang sinumang may karagdagang espasyo. Wala talagang "huwaran" na tuluyan—kailangan mo lang maging tapat at detalyado sa iyong paglalarawan at mga litrato sa listing para maipaalam sa mga bisita kung ano mismo ang dapat nilang asahan. Mula sa mga ekstrang kuwarto hanggang sa mga marangyang property, may perpektong tuluyan sa Airbnb para sa lahat.

      Tukuyin ang uri ng iyong tuluyan

      Nakakahikayat ng mga bisita ang halos anumang uri ng tuluyan sa Airbnb. Bahay ba ito? Apartment ba? Kuwarto ba sa iyong condo? Itinalaga pa nga ang ilang lugar bilang pambihira, gaya ng mga treehouse, tent, munting bahay, bukid, at camper at RV.

      Piliin kung saan puwedeng pumunta ang mga bisita

      Puwede mong ipaalam sa mga bisita na magkakaroon sila ng eksklusibong access sa buong property mo o sa pribadong suite, o na may makakahati silang ibang tao gaya ng pamilya mo, roommate mo, o kapwa bisita sa mga lugar na tulad ng tulugan, kusina, o banyo. Nasa sa iyo kung ilalaan mo ang iyong lugar para sa mga bisita o iiwanan ang mga gamit mo. Basta ang mahalaga, panatilihing malinis ang iyong tuluyan at makipag-ugnayan sa mga bisita tungkol sa kung ano mismo ang dapat asahan.

      Maging tapat tungkol sa mga positibo at negatibong punto

      Ayon kay Daniel na host sa San Francisco, palagi niyang sinasabi ang totoo tungkol sa kanyang tuluyan. "Kailangang magtugma ang sinasabi mo sa mga bisita na makukuha nila at ang makukuha nila pagdating nila sa iyong listing," sabi niya. “Huwag mong masyadong ipagmalaki ang iyong listing para ang madatnang tuluyan ng mga bisita ay mas maganda kumpara sa inaasahan nila. Mas mainam na ang ganoon kaysa kabaligtaran ang mangyari."

      Ipresenta at ikwento

      Kung makakatagpo ang mga bisita ng mga alagang hayop sa pinaghahatiang lugar, mainam na banggitin ito sa paglalarawan ng iyong listing. Ngunit mas mahalaga ang pag-upload sa Airbnb ng mga litrato ng iyong mabalahibong aso o pusang malinis ang ayos, na may caption na nagpapaalam sa mga bisita na malamang may makakatagpo silang hayop.

      Mas maganda kung may mga litrato dahil posibleng may ilang bisitang nagpapareserba nang hindi binabasa nang maigi ang kabuuan. Kung may anumang natatanging feature ang iyong tuluyan, magandang ideya rin na kumpirmahing nabasa ng mga bisita ang kabuuan ng iyong listing habang pinoproseso ang booking.

      Gawing makatotohanan ang itatakda mong presyo para sa iyong tuluyan

      Ano naman kung hindi palasyo ang tuluyan mo—walang problema! Maraming bisita ang matutuwa sa pangkaraniwang tuluyan basta't sulit ito. Kapag nagsisimula ka, isaalang-alang ang pagkakaroon ng panimulang presyong mas mababa nang kaunti sa target mo. Makakatulong ito sa 'yong makaakit ng mga bisita, at kapag nakakuha ka na ng maraming magagandang review, puwede mo nang pag-isipang taasan ang presyo mo ayon sa mga layunin mo.

      Tuklasin ang higit pa sa aming gabay sa pag-set up ng matagumpay na listing

      Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

      Mga Katangi-tanging Feature

      • Puwede kang mag-alok ng pribado o pinaghahatiang kuwarto, ng buong bahay, o pambihirang tuluyan

        • Kailangan lang ng komportableng tulugan at banyo

          • Itakda ang mga inaasahan sa pamamagitan ng pagiging tapat tungkol sa mga positibo at negatibong punto ng iyong tuluyan

          Airbnb
          Ene 6, 2020
          Nakatulong ba ito?