Accessibility sa Airbnb
Ganito namin pinapadali ang pagbibiyahe sa pamamagitan ng platform namin.
Ang Kategoryang Iniangkop
Tumuklas ng mga pambihirang tuluyan na may mga beripikadong accessibility feature, kabilang ang mga daanang walang baitang papunta sa tuluyan, kuwarto, at banyo. Nagsasagawa ng detalyadong 3D scan sa bawat tuluyang kabilang sa kategoryang ito para makumpirma ang mga accessibility feature nito at maisaad ang mga pangunahing detalye, tulad ng lapad ng mga pintuan.
Mga pinagandang filter sa paghahanap
Pinasimple namin ang aming mga filter para sa accessibility para makapagbigay ng mas magandang karanasan sa paghahanap.
Pagsusuri para sa accessibility
Sinusuri namin ang bawat accessibility feature na isinusumite ng mga host ng mga tuluyan para matiyak na tumpak ito.
Direktang pagpapadala ng mensahe sa mga host
Direktang makipag-chat sa mga host para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga accessibility feature ng kanilang patuluyan o Karanasan.
Paano namin ginagawang mas accessible ang Airbnb
Mga nakatalagang team
May mga team ang Airbnb na nakatuon sa pagbuo ng mga produktong magagamit ng lahat. Nakikipagtulungan ang mga team na ito sa mga engineer, designer, at iba pa sa kompanya para matiyak na binubuo ang aming mga produkto nang may pagsasaalang-alang sa accessbility.
Pananaliksik at adbokasiya
Nagsasagawa kami ng pananaliksik kasama ng mga taong may mga pangangailangan para sa accessibility at nakikipagtulungan kami sa mga eksperto sa komunidad.
Mga pamantayan sa digital accessibility
Nagsisikap kaming matugunan ang mga pamantayan sa digital accessibility na nakasaad sa Mga Tagubilin para sa Accessibility ng Content sa Web. Tumutuon din kami sa paglilinang ng mga awtomatikong tool sa pag-test para matulungan kaming makatukoy ng mas maraming isyu.