Project Lighthouse: pagtukoy at paglaban sa diskriminasyon sa Airbnb
Ang Project Lighthouse ay isang makabagong inisyatibo na ilulunsad namin sa United States para matukoy, matasa, at mapagtagumpayan ang diskriminasyon kapag nagbu-book o nagho-host sa Airbnb.
Binuo para matukoy ang diskriminasyon
Tutugunan ng proyektong ito ang diskriminasyong batay sa pananaw—at sa Airbnb, hinihinuha ng mga tao ang lahi mula sa mga bagay na tulad ng mga pangalan at litrato sa profile. Kasama ang mga organisasyon sa mga karapatang sibil tulad ng Color Of Change at Upturn, nagsisimula kami sa pananaliksik para maintindihan kung kailan at saan nangyayari ang diskriminasyon batay sa lahi sa aming platform at ang pagiging epektibo ng mga patakarang ginawa para labanan ito Matuto pa
Binuo nang isinasaalang-alang ang privacy
Nakipagtulungan kami sa mga nangungunang organisasyon sa privacy tulad ng Center for Democracy & Technology para maunawaan ang pinakamahuhusay na pamamaraan para sa proteksyon ng privacy upang matiyak namin na mananatiling ligtas ang iyong impormasyon. Sinusuri namin ang mga trend nang sabay-sabay, at hindi iuugnay ng Airbnb ang mga impormasyon tungkol sa inaakalang lahi sa mga partikular na account. Matuto pa
Ang nagawa na namin
Batid namin na para matugunan ang diskriminasyon, kinakailangan ang patuloy na pagtutuon ng pansin at pag-iingat para masigurong tama ang ginagawa namin. Narito ang ilan sa iba pang ginawa namin—at ang maaasahan mo pa sa hinaharap.
Patakaran sa Kawalan ng Diskriminasyon
Dapat sumang-ayon ang lahat ng gumagamit ng Airbnb sa aming Pangako sa Komunidad at Patakaran sa Kawalan ng Diskriminasyon. Kung nakaranas ka ng diskriminasyon, iimbestigahan namin ang isyu, gagawa kami ng aksyon, at kung kinakailangan, tutulungan ka naming maghanap ng ibang lugar na matutuluyan.
Mga proteksyon para sa litrato sa profile
May kinikilingan tayong lahat. Gayunpaman, marami pang magagawa ang mga kompanyang tulad ng Airbnb para bumuo ng mga tool na makakatulong na mapigilan ang mga tao na magkaroon ng pagkiling kapag nagpapasya. Ito ang dahilan kung bakit hindi ipinapakita sa mga host ang mga litrato sa profile ng mga bisita hangga't hindi nakukumpirma ang booking, na sumusuporta sa walang kinikilingang pagdedesisyon ng mga host.
Mga walang kinikilingang booking
Sa pamamagitan ng Madaliang Pag-book, mabu-book kaagad ang isang listing, na magpapadali sa proseso para sa mga host at magsisigurong walang panghuhusga sa proseso para sa mga bisita. Milyon-milyong listing ang puwedeng i-book sa ganitong paraan, at marami pang patuloy na nadaragdag.
Nakatalagang team sa paglaban sa diskriminasyon
Mayroong espesyal na team ang Airbnb na nakatalaga sa paggawa ng mga pagbabago sa aming platform na makakatulong sa pagpigil at pagtugon sa diskriminasyon, kasama na ang pagbuo ng mga inisyatibo tulad ng Project Lighthouse at mga proteksyon sa litrato sa profile.
Hindi kami nag-iisa sa adhikaing ito
Kumonsulta at nakipagtulungan kami sa mga organisasyon sa mga karapatang sibil at privacy upang matiyak na nilalabanan namin ang diskriminasyon nang may pag-iingat at nang may suporta ng iba pang nakikibahagi sa gawaing ito.
Mga paraan para makibahagi sa labas ng ating komunidad
Magbigay donasyon sa kilusan
Kung kaya mo, pag-isipang magbigay ng pinansyal na suporta sa NAACP at Black Lives Matter Global Network Foundation.
Suportahan ang Color Of Change
Bumisita sa ColorOfChange.org para makibahagi at magbigay donasyon sa kilusan.
Makiisa sa Araw ng Blackout
Sa Hulyo 7, gumastos lang ng pera sa mga negosyong pag-aari ng mga Black.
At marami pang iba...
Basahin ang mga sanggunian sa paglaban sa rasismo mula sa aming masasangguniang grupo ng mga Black na empleyado, ang Black@Airbnb.