Magplano nang maaga para sa mga emergency na dulot ng lagay ng panahon

Ihanda ang mga bisita at patuluyan mo para sa mga bagyo, buhawi, at matinding init.
Ni Airbnb noong Hun 26, 2024
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Ago 8, 2024

Mapoprotektahan ka, ang mga bisita mo, at ang property mo kapag handa ka para sa masamang lagay ng panahon.

Mula sa Americares, isang organisasyon para sa relief at pagpapaunlad na nakatuon sa kalusugan, ang mga tip na ito sa pagsuporta sa mga bisita at pagbawas sa pinsala sa property kapag may bagyo, buhawi, at heat wave.

Pagsuporta sa mga bisita

Maaaring hindi pamilyar ang mga bisita sa lokal na klima at dapat gawin kapag may emergency na dulot ng lagay ng panahon. Narito ang ilang paraan para suportahan sila ayon sa Americares.

Magsulat o mag‑print ng mahalagang impormasyon at ilagay iyon sa lugar na madaling mapansin.

  • Mga emergency contact: Ilista ang numero ng telepono ng serbisyo ng pulis, bumbero, at ambulansya at ang pambansang linya para sa emergency (tulad ng 911, 999, o 112).
  • Address ng property: Ibigay ang kumpletong address ng patuluyan mo, mga pangunahing kalsada o landmark sa malapit, at pangalan ng kapitbahayan, distrito, o zone.
  • Taguan kapag may bagyo: Isaad kung saan dapat magtago kapag may buhawi o bagyo, tulad ng basement o kuwartong walang bintana o skylight na nasa bandang loob ng tuluyan. 
  • Mapa ng lugar: Tukuyin ang mga potensyal na ruta ng paglikas, evacuation shelter ng komunidad, at lugar kung saan puwedeng magpalamig. Isaad kung sa aling mga lugar puwedeng magdala ng alagang hayop.

Isaalang‑alang ang malamang na lagay ng panahon sa mga partikular na buwan sa listing, mga mensahe, at patakaran sa pagkansela mo.

  • Mga alituntunin sa tuluyan: Maglagay ng mga pangunahing detalye tungkol sa lokal na lagay ng panahon sa mga partikular na buwan. Halimbawa, “Karaniwang nagkakabagyo mula Hunyo hanggang Nobyembre. Sundin ang mga ulat sa lagay ng panahon at tagubilin na ibibigay ng mga lokal na opisyal.”
  • Mga mabilisang tugon at nakaiskedyul na mensahe: Gamitin ang mga tool sa tab na Mga Mensahe para mag‑save ng mga tip na maibabahagi mo kapag inaasahang magiging masama ang lagay ng panahon. Halimbawa, puwede kang gumawa ng mabilisang tugon na nagmumungkahi kung saan puwedeng magpalamig habang may heat wave.
  • Patakaran sa pagkansela: Posibleng makadagdag ng panganib ang masamang lagay ng panahon sa mga lugar na walang air con at hindi pangkaraniwang tuluyan, tulad ng mga camper, tent, at treehouse. Kapag nagtakda ka ng flexible na patakaran sa pagkansela, makakapagplano ang mga bisita ayon sa mga forecast.

Karaniwang nakabatay sa pinili mong patakaran sa pagkansela ang refund na matatanggap ng bisita kapag may nakanselang reserbasyon, maliban na lang kung iba ang mapagkasunduan ninyo ng bisita. Posibleng malapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari ng Airbnb kung mauudlot o kailangang ipagbawal ayon sa batas ang pamamalagi dahil sa malawakang isyu sa lokalidad. 

Kapag naaangkop ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari, puwede kang magkansela ng reserbasyon nang walang ipapataw na bayarin o parusa at iba‑block ang mga petsang iyon sa kalendaryo. Puwede ring magkansela nang may buong refund ang mga bisitang may naapektuhang reserbasyon. Kung magkakansela ka o ang mga bisita ng reserbasyong saklaw ng patakaran, hindi ka makakatanggap ng payout.

Pakikipag-ugnayan sa mga bisita

Iminumungkahi ng Americares na magpadala ng mensahe sa mga bisita kung may inilabas na babala tungkol sa lagay ng panahon. Puwede mong ipaalala sa kanila ang mga lokal na sanggunian at bigyan sila ng mga tip para manatiling ligtas sa panahon ng kanilang pamamalagi.

Pagbabawas ng pinsala sa property

Makakatulong ang paglalapat ng mga pananggalang sa lagay ng panahon para mabawasan ang pagkasirang maidudulot ng bagyo o buhawi sa property at gawing mas komportable ang patuluyan mo kapag may heat wave. Inirerekomenda ng Americares ang mga hakbang na ito para mapanatiling maayos at ligtas ang patuluyan mo.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Hun 26, 2024
Nakatulong ba ito?