Pagprotekta ng Airbnb sa mga host
Handa kaming suportahan ka sa pagho‑host mo. Protektado ka ng mga patakaran at serbisyo namin hangga't ang platform ng Airbnb ang ginagamit mo para sa pakikipag‑ugnayan, pagbu‑book, at pagbabayad.
AirCover para sa mga Host
Kumpletong proteksyon para sa bawat host sa Airbnb ang AirCover para sa mga Host. Kasama rito ang USD1 milyong insurance sa pananagutan para sa host. May kasama rin itong USD3 milyong proteksyon sa pinsala para sa host na sumasaklaw ng mga obra ng sining, mahalagang gamit, kotse, bangka, at iba pang de-motor na sasakyan o watercraft na nakaparada o nakatabi sa property mo, at higit pa.
Nagkakaloob ang AirCover para sa mga Host ng mga proteksyon bago ang pamamalagi para matiyak ang pagkakakilanlan ng mga nagbu‑book na bisita sa pamamagitan ng pagpapatunay. Nagsasagawa kami ng mga background check sa mga nagbu‑book na bisita kapag puwede ayon sa batas at hinahanap namin sila sa mga partikular na listahan ng mga binabantayan o pinapatawan ng parusa. Nakakatulong din ang pagmamay‑ari naming teknolohiya para sa pagsusuri sa reserbasyon na mapaliit ang posibilidad na magkaroon ng mga nakakaistorbong party at pinsala sa property.
Airbnb Support
Handang sumuporta sa iyo ang Airbnb anumang oras at araw‑araw sa 46 na wika.
- Suporta sa telepono at online: Tumawag sa amin kung may kagyat na isyu. Para sa mga hindi kagyat na isyu na tulad ng pag‑update sa kalendaryo mo o pagbago sa itinakda mong presyo, padalhan kami ng mensahe.
- Nakatalagang suporta para sa Superhost: Awtomatikong kokonekta ang mga Superhost sa ekspertong tauhan ng Airbnb Support sa tuwing makikipag‑ugnayan sila sa Airbnb.
- Linyang pangkaligtasan na madudulugan anumang oras: Kung maramdaman mo mang hindi ka ligtas, mabilis mong magagawang makipag‑ugnayan sa mga dalubhasang ahenteng pangkaligtasan gamit ang app, umaga man o gabi.
Mga pangunahing alituntunin para sa mga bisita
Iniaatas ng Airbnb sa lahat ng bisita na sundin ang mga pangunahing alituntunin para sa mga bisita. Iniaatas sa mga bisita na igalang ang patuluyan mo, sundin ang iyong mga alituntunin sa tuluyan, makipag‑ugnayan kaagad kung magkaproblema, at iwan ang patuluyan mo sa kalagayang hindi nangangailangan ng labis na paglilinis. Sinasang‑ayunan ng bawat nagbu‑book na bisita ang mga pangunahing alituntuning ito bago magpareserba.
Kung hindi susunod sa mga pangunahing alituntunin ang bisita, puwede kang makipag‑ugnayan sa Airbnb Support o magbigay sa bisita ng mababang rating kaugnay ng kalinisan o mga alituntunin sa tuluyan kapag nagbigay ka ng review para maiulat ito. Puwedeng suspindehin o alisin sa Airbnb ang mga bisitang paulit‑ulit na lalabag sa mga karaniwang alituntunin sa tuluyan kung patuloy na magkakaroon ng mga isyu.
Puwedeng magpatupad ng mga alituntunin sa tuluyan bukod pa sa mga pangunahing alituntunin para maitakda mo ang mga partikular na dapat asahan ng mga bisita sa patuluyan mo. Makakapili ka sa listahan namin ng mga karaniwang alituntunin sa tuluyan kaugnay ng:
- Mga alagang hayop
- Mga event
- Paninigarilyo, vaping, at mga e‑cigarette
- Mga oras na dapat tahimik na
- Mga oras ng pag‑check in at pag‑check out
- Maximum na bilang ng bisita
- Commercial photography at pagkuha ng video
Kung may mga espesyal na tagubilin kang hindi kabilang sa mga karaniwang alituntunin sa tuluyan, puwede mong ilagay ang mga iyon sa mga karagdagang alituntunin mo sa mga setting ng listing. Halimbawa, puwede mong hilingin sa mga bisita na isara at i‑lock ang lahat ng bintana bago sila mag‑check out.
Mga review at profile
Sa mga review at profile ng bisita, mas makikilala mo ang mga bisita bago sila mamalagi sa patuluyan mo. Hinihiling sa mga bisitang nagbu‑book ng tuluyan o sumasali sa pamamalagi na gumawa ng kumpletong profile na may litrato at mga detalye nila.
Makakatiyak kang batay sa mga tunay na karanasan ang mga review sa bisita dahil makakapagbigay lang ng review ang mga host at bisita kapag tapos na ang pamamalagi. Puwede ka ring magtanong sa mga bisita at magtakda ng mga dapat asahan kahit kailan bago ang pamamalagi nila.
Kung gumagamit ka ng Madaliang Pag‑book, mapipili mong gawin itong opsyon sa mga bisita lang na nakatapos na ng kahit isang pamamalagi nang hindi nagkaproblema o nakatanggap ng mababang rating. Kung mas gusto mong mano‑manong tumanggap ng pagpapareserba, puwede mong suriin ang profile ng bisita at mga review sa kanya bago mo tanggapin ang kahilingan.
Puwede kang magkansela ng reserbasyon kahit kailan kung makatwiran mong pinapaniwalaang magkakaroon ng party hangga't sumusunod ka sa aming Patakaran sa Pagkansela ng Host. Kung may duda ka sa isang kahilingan sa pagpapareserba, puwede mo itong tanggihan hangga't sumusunod ka sa aming Patakaran Laban sa Diskriminasyon.
Gusto mo ba ng higit pang suporta?
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.
Hindi saklaw ng proteksyon sa pinsala para sa host, insurance sa pananagutan para sa host, at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan ng AirCover para sa mga Host ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan o Karanasan sa Japan kung saan nalalapat ang Insurance para sa Host sa Japan at Insurance sa Karanasan sa Japan. Hindi rin saklaw ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan sa pamamagitan ng Airbnb Travel LLC. Nalalapat ang Plano para sa Proteksyon ng Host sa China sa mga host ng mga tuluyan o Karanasan sa mainland China. Tandaang nakasaad sa USD ang lahat ng limitasyon sa pagsaklaw.
Sineseguro ng mga third‑party na tagapagbigay ng insurance ang insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan. Kung nagho‑host ka sa UK, sineseguro ng Zurich Insurance Company Ltd. at isinasaayos at pinagpapasyahan ng Airbnb UK Services Limited ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan nang walang karagdagang babayaran ang mga host sa UK. Itinalagang kinatawan ang Airbnb UK Services Limited ng Aon UK Limited na pinapahintulutan at pinapangasiwaan naman ng Financial Conduct Authority. Ang numero ng pagpaparehistro ng Aon sa FCA ay 310451. Makukumpirma mo ito kapag pumunta ka sa Financial Services Register o tumawag ka sa FCA sa 0800 111 6768. Pinapangasiwaan ng Financial Conduct Authority ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan na bahagi ng AirCover para sa mga Host. Hindi pinapangasiwaang produkto na isinasaayos ng Airbnb UK Services Limited ang iba pang produkto at serbisyo. FPAFF405LC
Hindi insurance at hindi nauugnay sa insurance sa pananagutan para sa host ang proteksyon sa pinsala para sa host. Sa pamamagitan ng proteksyon sa pinsala para sa host, maibabalik ang nagastos mo sa mga partikular na pinsalang dulot ng mga bisita sa patuluyan at mga pag‑aari mo kung hindi nila babayaran ang mga pinsalang iyon. Para sa mga listing sa estado ng Washington, saklaw ng polisa ng insurance na binili ng Airbnb ang mga obligasyon ng Airbnb ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host. Para sa mga host na hindi sa Australia nakatira o nagnenegosyo, nalalapat ang Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host na ito. Para sa mga host na sa Australia nakatira o nagnenegosyo, nakadepende ang proteksyon sa pinsala para sa host sa Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host para sa mga User sa Australia.