Paano ka babayaran para sa pagho‑host
Sa artikulong ito:
Sa Airbnb, madali mong matatanggap sa ilang hakbang lang ang mga pagbabayad na tinatawag naming mga payout.
Paano ka babayaran
Ikaw ang pipili kung paano mo gustong matanggap ang perang kinita mo sa pagho‑host. Nakadepende sa lokasyon mo ang mga opsyon. Mga paraan ng payout:
- Bank account
- Mabilisang Payout
- International wire
- Payoneer PrePaid Debit Mastercard
- PayPal
- Western Union
Para i-set up ang mga payout, maglagay ng paraan ng payout sa Mga pagbabayad at payout sa mga setting ng account mo sa pagho‑host. Malalapat ang paraang pipiliin mo sa lahat ng susunod na payout hanggang baguhin mo ito.
Posibleng kailangan mong ibigay ang impormasyon mo bilang nagbabayad ng buwis para maipadala namin sa iyo ang mga naaangkop na dokumento sa pagbubuwis. Hindi ka ba sigurado kung naaangkop ito sa iyo? Matuto pa tungkol sa mga form sa pagbubuwis
Habang bineberipika ang paraan ng payout mo, isasaad na nakabinbin ito. Puwedeng abutin nang hanggang 10 araw ang proseso ng pagberipika, maliban na lang kung pipiliin mo ang Mabilisang Payout na agarang nabeberipika.
Magkano ang ibabayad sa iyo
Pumili ng anumang reserbasyon sa kalendaryo mo para tingnan ang ibinayad ng bisita at ang kinita mo sa pamamalaging iyon. Mag‑scroll pababa sa mga detalye ng booking para sa detalyadong listahan kabilang ang:
- Itinakda mong presyo kada gabi para sa pamamalagi ng bisita
- Anumang opsyonal na bayaring sinisingil mo para sa paglilinis, mga alagang hayop, o dagdag na bisita
- Mga buwis sa panunuluyan
- Bayarin sa serbisyo ng bisita at bayarin sa serbisyo para sa host
- Payout ng co‑host kung may itinakda ka
- Kabuuang payout sa iyo
Nagbabayad ng 3% bayarin sa serbisyo para sa host ang karamihan sa mga host. Sinasagot ng bayaring ito ang gastos ng Airbnb sa mga produkto at serbisyo na nakakatulong sa iyong ipagamit ang tuluyan mo tulad ng 24/7 na customer support. Matuto pa tungkol sa mga bayarin sa serbisyo
Kung mas mababa sa inaasahan mo ang payout sa iyo, posibleng dahil iyon sa idinagdag mong diskuwento o sa pagkansela o pagbabago sa reserbasyon. Posible ring may mga nalalapat na bayarin sa transaksyon sa ilang partikular na paraan ng payout, pero marami ang magagamit nang walang dagdag na gastusin.
Kailan ka babayaran
Karaniwang iniisyu sa iyo ang kita mo sa pagho‑host humigit‑kumulang 24 na oras pagkalipas ng nakaiskedyul na oras ng pag‑check in ng bisita mo. Nakadepende sa pinili mong paraan ng payout kung kailan papasok sa account mo ang pera.
Narito ang mga magagamit na paraan ng payout at ang karaniwang tagal ng pagpapadala ng mga ito:
- Mabilisang payout: 30 minuto o mas mabilis
- Payoneer: 24 na oras o mas mabilis
- PayPal: 1 araw ng negosyo
- Western Union: 1 araw ng negosyo (posibleng mag‑iba ayon sa bansa/rehiyon)
- Bank transfer: 3 hanggang 5 araw ng negosyo
- International wire: 3 hanggang 7 araw ng negosyo
Kapag nag‑host ka ng pamamalaging 28 gabi o mas matagal, ipapadala ng Airbnb ang kinita mo nang hulugan kada buwan, na magsisimula humigit‑kumulang 24 na oras pagkatapos mag‑check in ang bisita. Puwede mong alamin ang status ng mga payout mo sa dashboard ng mga kita kahit kailan. Matuto pa tungkol sa pagtanggap ng bayad