Gumawa ng manwal ng tuluyan para magbahagi ng impormasyon tungkol sa iyong tuluyan

Makatipid ng oras at magbigay ng mahahalagang detalye gamit ang mga inihandang tagubilin.
Ni Airbnb noong Nob 18, 2020
4 na minutong pagbabasa
Na-update noong Nob 17, 2021

Mga Katangi-tanging Feature

  • Gumawa ng manwal ng tuluyan

  • Tiyaking maikli ito at madaling maintindihan

  • Ilagay muna ang password ng wifi

  • Dagdagan ang nalalaman sa aming kumpletong gabay para makapag-set up ng matagumpay na listing

"Paano ako makakakonekta sa wifi? Nasaan ang thermostat? Aling remote ang dapat gamitin?" Ilan lang ang mga ito sa mga posibleng itanong ng mga bisita habang namamalagi sila sa iyong tuluyan. Maipapaalam mo sa kanila ang mga sagot—at matitiyak mong ginagamit sa tamang paraan ang mga kagamitan at iba pang feature sa iyong tuluyan—sa pamamagitan ng tool ng manwal ng tuluyan ng Airbnb.

Sa pamamagitan ng tool ng manwal ng tuluyan, mabibigyan mo ang mga bisita ng malilinaw na sunod-sunod na tagubilin at maipapaalam mo sa kanila kung saan nila mahahanap ang mahahalagang bagay, gaya ng mga pangkaligtasang device o router para sa wifi. Gumawa ng manwal nang isang beses, at hindi mo na kakailanganing magsulat o magpadala muli ng mga email para sa bawat booking. Marami kang matitipid na oras. At dahil maa-access ito ng mga bisita mula mismo sa app, puwede nila itong tingnan anumang oras, nasaan man sila. Natutuwa ang host na si Neil mula sa Mountain View, California kung paano nakakatulong ang feature na maiwasang makatanggap siya ng “mga text sa dis-oras ng gabi, desperadong tawag, at pinakamalala sa lahat: mga negatibong review.”

Sulitin ang tool ng manwal ng tuluyan gamit ang mga subok nang tip na ito mula sa mga host na tulad mo.

Magsimula sa password ng wifi

Isa ito sa mga unang itinatanong ng mga bisita pagdating nila, kaya inilalagay ito ng maraming host sa itaas ng kanilang manwal ng tuluyan. “Gusto nilang lahat na malaman ang password ng wifi, kaya inilalagay ko iyon para buksan nila ang manwal ng tuluyan, at sana ay basahin nila ito,” sabi ni Marit Anne mula sa Troms, Norway.

Partikular na nakakatulong ang madaling access sa password ng wifi sa mga nagtatrabaho nang malayuan na maaaring kailangang dumalo sa virtual na pulong, magpadala ng email, o tumapos ng pagta-type ng ulat pagkarating nila mismo sa iyong tuluyan.

Maglagay ng impormasyon tungkol sa pagparada

Puwedeng maging nakakalito ang mga alituntunin at palatandaan sa pagparada sa kalsada, lalo na kung ibang wika ang ginagamit ng mga bisita. Mainam na magbigay ng malilinaw na tagubilin, tulad ng mga host na sina Ben at Angel mula sa Wellington, New Zealand: “Puwede kang magparada sa harap ng puting picket fence sa kanan ng driveway, malapit sa halamang-bakod.”

Itampok ang mga feature na angkop sa alagang hayop at pamilya

Kung tatanggap ka ng mga alagang hayop o bata sa iyong tuluyan, maaaring makatulong na itampok ang lahat ng feature na inilagay mo para masuportahan sila, lalo na't puwede mong ibahagi ang manwal ng tuluyan mo bago dumating ang mga bisita para makapagplano sila nang maaga. Magagamit mo ang iyong manwal para:

  • Ilarawan kung nasaan ang mga lalagyan ng pagkain at tubig ng alagang hayop
  • Itakda kung aling mga pamunas ang para sa maruming paa at hayop
  • Isaad ang anumang amenidad para sa mga bata, gaya ng kuna o high chair
  • Ilista kung aling mga kuwarto ang may smoke at carbon monoxide alarm

Ipaalam sa mga bisita kung saan mahahanap ang mga amenidad (at kung paano gamitin ang mga ito)

Pagkatapos ng mahabang biyahe, maaaring mahirap makahanap at makagamit ng ilang pangunahing gamit sa bahay. Inihahandog ng mga host na sina Joh at Gian mula sa San Francisco ang mga halimbawang ito:

  • “Heater: Nasa pader ang thermostat, malapit sa TV. Huwag itong kalimutang i-off sa pag-alis mo.
  • Toilet: Toilet paper lang ang puwedeng itapon sa inidoro. May maliit na basurahan para sa iba pa.
  • Mga gamit sa kusina: Nasa kabinet sa itaas sa magkabilang gilid ng microwave ang mga pinggan at baso. Nasa drawer sa kaliwa ng oven ang mga kubyertos, at nasa kabinet ang mga kawali. Gamitin lang ang mga ito kapag kailangan para makapaghanda ng masarap na pagkain. Kapag tapos ka na, puwede mong ilagay ang maruruming pinggan sa dishwasher. Kapag puno na ito, papatakbuhin natin ang machine.”

Inirerekomenda rin ng mga host na hindi nakatira sa o malapit sa property na magsama ng mga tagubilin tungkol sa basura, tubig, at iba pang detalyeng natatangi sa lugar:

  • “Basura: Itapon ang iyong basura sa 33 galon na basurahan sa basement. Huwag ilagay ang basura sa labas o sa beranda, kung saan puwede itong magalaw ng mga ibon, raccoon, at iba pang hayop.” —Kim, Upson, Wisconsin
  • “Tubig at Kuryente: Isaalang-alang ang lakas ng paggamit mo ng tubig at kuryente. Limitado ang mainit na tubig.” —Fred, Placencia, Belize

Tapusin sa paglalagay ng mga sunod-sunod na tagubilin para sa mga kasangkapan at kagamitang elektroniko

Mahalaga ang mga detalyadong tagubilin, sabi ng mga host na sina Joh at Gian. Ganito nila inilalarawan kung paano gamitin ang mga serbisyo sa pag-stream:

“Paano kumonekta sa Netflix, Prime Video, at iba pang serbisyo sa pag-stream:

  1. I-on ang TV sa kuwarto, at maghintay sandali. Niyebe lang ang makikita mo sa panahong ito.
  2. Pagkalipas ng isang minuto, pindutin ang button na maraming kulay at hugis-diyamante.
  3. Piliin ang app kung saan mo gustong kumonekta, at pindutin ang pangunahing button. Para sa Netflix, puwede mong gamitin ang Guest account na ginawa namin para lang sa iyo.”

Tiyaking maikli at magiliw ito

Binibigyang-diin ng maraming host ang kahalagahan ng pagtitiyak na maikli at direkta ang iyong manwal ng tuluyan. “Hindi magandang maramdaman ng mga bisita na kailangan nilang mahirapan para matiyak na masaya ang host,” sabi ng host na si Tina mula sa Nanaimo, Canada. “Hanapin ang tamang balanse ng iyong mga pangangailangan at ng pagpaparamdam sa iyong mga bisita na tanggap sila sa iyong tuluyan.”

Kapag naisulat mo na ang iyong manwal ng tuluyan, pag-isipang maglagay ng naka-laminate at madaling linisin na sign na may malilinaw na tagubilin kung paano mag-log on sa wifi sa isang bahagi ng iyong tuluyan. Isa pa itong paraan para madaling ma-access ng mga bisita ang impormasyon. At para makakuha ng magagandang review sa bawat pagkakataon.

Alamin kung paano magdagdag ng manwal ng tuluyan

Maaaring nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

Mga Katangi-tanging Feature

  • Gumawa ng manwal ng tuluyan

  • Tiyaking maikli ito at madaling maintindihan

  • Ilagay muna ang password ng wifi

  • Dagdagan ang nalalaman sa aming kumpletong gabay para makapag-set up ng matagumpay na listing
Airbnb
Nob 18, 2020
Nakatulong ba ito?