Mga amenidad na gusto ng mga bisita

Tulungang mamukod-tangi ang listing mo sa pamamagitan ng mga patok na feature at amenidad na ito.
Ni Airbnb noong Nob 19, 2020
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Nob 21, 2023

Madalas mag-filter ang mga bisita ng mga resulta ng paghahanap sa Airbnb para makahanap ng mga tuluyang may mga partikular na feature at amenidad. Puwedeng mamukod-tangi ang listing mo kapag inilagay mo ang lahat ng iniaalok sa patuluyan mo.

Mga nangungunang amenidad

Narito ang mga amenidad na pinakamadalas hanapin ng mga bisita.*

  1. Pool

  2. Wifi

  3. Kusina

  4. Libreng paradahan

  5. Hot tub

  6. Air conditioning o heating

  7. Washer o dryer

  8. Sariling pag-check in

  9. TV o cable

  10. Fireplace

Madaling magdagdag ng mga amenidad sa tab na Mga Listing ng host account mo. Pumunta lang sa Ang patuluyan mo at sa Mga amenidad, saka i-tap ang plus sign. Piliin ang Idagdag na nasa tabi ng anumang feature na matatagpuan sa patuluyan mo. Puwede ka ring Gumawa ng photo tour at maglagay ng mga detalye ayon sa kuwarto, kabilang ang mga amenidad, impormasyon tungkol sa privacy, at mga kaayusan sa pagtulog.

    Mga pangunahing kailangan

    Inaasahan ng mga bisita ang mga pangunahing kailangan na ito sa patuluyan mo para komportable silang makapamalagi:

    • Toilet paper

    • Sabon sa kamay at sabong panligo

    • Isang tuwalya kada bisita

    • Isang unan kada bisita

    • Mga linen para sa bawat higaan ng bisita

    Pag-isipang maglaan ng mas marami para sa mas malalaking grupo at mas matatagal na pamamalagi. Puwede kang magpadala ng mensahe sa mga bisita para itanong kung ano ang kailangan nila.

    Kaligtasan ng bisita

    Maglagay ng ilang pangunahing pag-iingat para mabawasan ang mga panganib sa patuluyan mo.

    Mariin naming hinihikayat ang lahat ng host na maglagay ng mga smoke at carbon monoxide alarm sa mga bahagi ng tuluyang may mga kasangkapang gumagamit ng gas, petrolyo, o langis. Mainam ding maglaan ka ng fire extinguisher at first-aid kit.

    Matuto pa tungkol sa paghahanda sa listing mo

    Mga accessibility feature

    Kadalasang naghahanap ang mga bisitang may mga pangangailangan para sa accessibility ng mga feature na gaya ng pasukang walang baitang, mga nakapirming hawakan sa banyo, at accessible na paradahan. Kapag inilagay mo sa listing mo ang mga feature na ito, maipapaalam mo sa mga bisita kung mainam para sa kanila ang patuluyan mo.

    Basahin ang aming mga alituntunin para sa mga accessibility feature

    Mga workspace para sa nagtatrabaho nang malayuan

    Para sa mga bisitang nagtatrabaho nang malayuan habang bumibiyahe, mahalaga ang mga feature at amenidad na gaya ng:

    • Mabilis at maaasahang wifi
    • Nakatalagang workspace
    • Pampaginhawang suporta, gaya ng laptop stand
    • Maayos na ilaw
    • Mga kagamitang pang-opisina, kabilang ang mga panulat, papel, at panlahatang charger

    Matuto pa tungkol sa pagbibigay ng suporta para sa pagtatrabaho nang malayuan

    Mga feature na mainam para sa mga bata at alagang hayop

    Para makahikayat ng mas marami pang bisitang may mga kasamang bata o alagang hayop, maglaan ng mga kapaki-pakinabang na gamit na gaya ng:

    • High chair
    • Nabibitbit na kuna
    • Mga pangkaligtasang harang para sa sanggol
    • Mga takip ng muwebles
    • Mga lalagyan ng pagkain at tubig para sa alagang hayop
    • Mga tuwalyang pamunas ng mga marka sa pinto na gawa ng hayop
    • Mga karagdagang panlinis

    Siguraduhing i-update ang mga amenidad, paglalarawan ng listing, at mga litrato para itampok ang mga ginawa mong pagbabago. Kapag nagdagdag ka ng ilang madalas hanaping item, puwedeng maging mas komportable sa patuluyan mo ang mga bisita, at puwedeng maging dahilan iyon para magbigay sila ng magagandang review.

    *Ayon sa internal na datos ng Airbnb na nagkalkula sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin sa iba't ibang panig ng mundo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2022.

    Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.
    Airbnb
    Nob 19, 2020
    Nakatulong ba ito?