Pahusayin ang routine mo sa pagho‑host
Kailangang paglaanan ng oras ang pagho‑host. Pero kapag nasanay ka na, mapapabilis mo ang maraming aspeto ng routine mo. Sa gayon, makakatuon ka sa paggawa ng di‑malilimutang karanasan para sa mga bisita mo.
Pag‑aangkop ng routine sa paglilinis
Mapapadali ang paghahanda para sa sunod na bisita kapag mayroon kang routine sa paglilinis.
- Pag‑isipang kumuha ng propesyonal na tagalinis para sa maaasahang kalidad.
- Pumili ng mga kobre‑kama at tuwalya na magkakatulad ang kulay para malabhan nang sabay‑sabay ang mga ito.
- Maghanda ng ekstrang set ng kobre‑kama at mga tuwalya para mas mabilis na makapaghanda para sa sunod na bisita.
- Magplano ng regular na masusing paglilinis para mas mapadali ang paglilinis sa pagitan ng mga reserbasyon.
- Mag‑iskedyul ng umuulit na order ng mga produktong panlinis at iba pang bagay na karaniwan mong ginagamit tulad ng toilet paper at sabon. Sa pamamagitan nito, makakatipid ka ng oras at maiiwasan mong maubusan ng kagamitan.
- Bumili nang maramihan para ihanda ang mga bagay na pinakamadalas maubos tulad ng shampoo at conditioner.
Malinaw at mahusay na pakikipag‑ugnayan
Hindi kailangang matagal ang gugulin sa pagtugon sa mga mensahe ng mga bisita. Magagamit ang mga tool ng Airbnb para mag‑set up ng mas mahusay na pakikipag‑ugnayan sa mga bisita.
- I‑download ang Airbnb app para mabilis na makatugon. Piliing makatanggap ng mga push notification at siguraduhing malapit sa iyo at tutunog ang device mo.
- Gumamit ng mga nakaiskedyul na mensahe para magbahagi ng mga partikular na detalye kung kailan malamang na mapakinabangan ng mga bisita ito, tulad ng pagkumpirmang natanggap ng mga bisita ang mga tagubilin sa pag‑check in isang araw bago ang pamamalagi nila.
- Mag‑set up ng mga mabilisang tugon para mas mabilis na makatugon sa mga karaniwang tanong sa pamamagitan ng paunang paghahanda ng mga sagot. Awtomatikong imumungkahi ang tab na Mga Mensahe kung alin sa mga mabilisang tugon mo ang pinakamainam sa isang pag‑uusap.
Pagpapadali ng pag-check in
Kapag pinasimple mo ang pag-check in, maipaparamdam mo sa mga bisita na malugod silang tinatanggap. Pag‑isipang magdagdag ng co‑host na tutulong sa pangangasiwa sa listing mo at mga reserbasyon sa iyo.
- Gamitin ang Gabay sa Pagdating sa tab na Mga Listing para magdagdag ng mahahalagang detalye, kabilang ang paraan at oras ng pag‑check in, mga direksyon, manwal ng tuluyan, at password ng wifi.
- Mag‑alok ng sariling pag‑check in gamit ang mga keypad, smart lock, o lockbox para makatipid sa oras at mabigyan ng higit na flexibility ang mga bisita.
- Magbigay ng manwal ng tuluyan na may mga tagubilin, halimbawa, kung paano gamitin ang mga amenidad o i‑access ang wifi.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.