Magkano ang sinisingil ng Airbnb sa mga host?

Kapag alam mo ang mga bayarin sa serbisyo, makakapagtakda ka ng diskarte sa presyo.
Ni Airbnb noong Nob 16, 2020
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Set 19, 2024

Nagbabayad ng 3% bayarin sa serbisyo kada booking ang karamihan sa mga host. 

Ang mga bayarin sa serbisyo ay porsyento ng:

  • Ang itinakda mong presyo kada gabi para sa kabuuang bilang ng gabi sa booking
  • Anumang karagdagang bayaring itatakda mo, gaya ng bayarin sa paglilinis o bayarin para sa alagang hayop

Awtomatikong ikakaltas ang iyong bayarin sa serbisyo mula sa bawat payout. Puwedeng hati kayo ng mga bisita sa bayarin o ikaw mismo ang magbayad ng buong bayarin.

Hating bayarin

Ito ang pinakakaraniwang istruktura ng bayarin. Nagbabayad ng 3% hating bayarin ang karamihan sa mga host na may isang listing lang.*

Nagbabayad ng mas mababa sa 14.2% ng subtotal ng booking ang karamihan sa mga bisita, pero maaaring mas tumaas ito dahil sa iba't ibang salik. Halimbawa, kung magbabayad ang bisita gamit ang ibang currency at hindi ang itinakdang currency ng host para sa listing, maaaring mas malaki ang babayaran niya.

Bayarin para lang sa host

Hindi gaanong karaniwan ang istrukturang ito. Binabayaran ng mga host ang buong bayarin sa serbisyo na karaniwang 14% hanggang 16% ng subtotal ng booking.**

Kinakailangan ang bayarin para lang sa host para sa mga listing na tradisyonal na hospitalidad tulad ng mga hotel at serviced apartment. Binabayaran mo rin ang bayarin para sa host lang kung gumagamit ka ng software sa pangangasiwa ng property para kumonekta sa Airbnb, maliban na lang kung nasa US, Canada, Mexico, Bahamas, Argentina, Uruguay, o Taiwan ang karamihan sa mga listing mo.

Puwede mong piliing bayaran ang bayarin para sa host lang bilang diskarte sa presyo kung gusto mong pasimplehin ang detalye ng presyo na inilalahad sa mga bisita.

Q&A tungkol sa mga bayarin sa serbisyo

*Mas higit pa ang binabayaran ng ilan, kabilang ang ilang host na may mga listing sa Italy.

**Maaaring magbayad ng mas mataas na bayarin ang mga host na may sobrang higpit na mga patakaran sa pagkansela, at maaaring mas mababa ang bayarin para sa mga pamamalaging 28 gabi o higit pa.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 16, 2020
Nakatulong ba ito?