Mas maayos na makipag‑ugnayan gamit ang mga upgrade sa pagpapadala ng mensahe

Nalalapit na ang mga bagong mabilisang tugon, naka‑thread na tugon, at tool sa pag‑edit.
Ni Airbnb noong Okt 16, 2024
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Okt 16, 2024

Malaking bahagi ng maayos na pakikipag‑ugnayan bilang host ang pagpapadala ng mensahe. Makakatulong sa iyo ang mga upgrade sa tab na Mga Mensahe para makatipid ka ng oras at malinaw na makatugon sa mga bisita.

Nasa mga bagong template ng mabilisang tugon ang mga sagot sa mga madalas itanong, kaya hindi mo na kailangang magsulat mula sa umpisa. Puwede mong i‑edit at ipadala ang mga template na ito habang nakikipag‑chat sa mga bisita, o maaari kang mag‑iskedyul na ipadala ang mga ito sa ibang pagkakataon.

Kasama sa ibang bagong feature sa tab na Mga Mensahe ang:

  • Mga naka‑thread na tugon na makakatulong para mapanatiling organisado ang mga pag‑uusap
  • Mga tool sa pag‑edit na magagamit mo para i‑edit o bawiin ang mensaheng ipinadala mo

Ilulunsad ang mga upgrade na ito sa lahat ng host sa mga darating na buwan.

Mga bagong mabilisang tugon

Makakapagbigay sa iyo ng mga halimbawang sagot sa mga nangungunang tanong tungkol sa mga paksang tulad ng mga direksyon, wifi, at pag‑check out ang mahigit isang dosenang bagong template ng mabilisang tugon. Gamitin tulad ng dati ang inihandang mensahe, o i‑edit ito para itampok ang estilo mo sa pagho‑host, mga amenidad o pangangailangan ng mga bisita.

Nagdaragdag din ang mga bagong template ng mga feature para mapabilis at mapadali ang pakikipag‑ugnayan.

  • Mga suhestyon: Kapag nakakatulong sa iyo ang isa sa mga bagong template na sagutin ang tanong ng bisita, awtomatikong lalabas sa pag‑uusap ninyo ang mabilisang tugon na iminumungkahi ng AI at ikaw lang ang makakaalam nito. Puwede mong suriin at i‑edit ang tugon bago ito ipadala o sumulat ng ibang mensahe.
  • Mga detalye: Nasa mga bagong mabilisang tugon ang mga placeholder na awtomatikong naglalagay ng pangalan ng bisita at ilang partikular na detalye ng booking at listing kapag ipinadala ang mensahe.
  • Mga paalala: Kapag malapit na ang mensaheng naiskedyul mo, may lalabas na paalala sa pag-uusap ninyo ng bisita. Isaayos o laktawan ang pagpapadala ng mensahe kung inuulit nito ang impormasyong naibahagi mo na.

Magiging available ang mga bagong feature sa unang bahagi ng 2025. Hanggang sa sandaling iyon, puwede mong gamitin ang aming mga kasalukuyang tool para gumawa ng sarili mong mga mabilisang tugon at mag‑iskedyul ng mga mensahe para sa mga bisita. Hindi mawawala ang anumang template na na‑save mo kapag nagdagdag kami ng mga bago.

Mga naka‑thread na tugon at tool sa pag‑edit

Inihahandog namin ang mga naka‑thread na tugon at tool sa pag‑edit para matulungan kang pangasiwaan ang pagpapadala mo ng mensahe.

  • Mga naka‑thread na tugon: Kapag tumugon ka sa partikular na mensahe bilang thread, maisasama sa orihinal na mensahe ang tugon mo. Kapag tumugon ang mga bisita sa parehong paraan, may mabubuong hanay ng mga kaugnay na mensahe.
  • Mga tool sa pag‑edit: Makakapag‑edit ka ng mensahe sa loob ng 15 minuto pagkatapos itong ipadala, at puwede mong bawiin ang mensahe sa loob ng 24 na oras.

Sisimulang ilunsad sa Nobyembre ang mga naka‑thread na tugon at mga tool sa pag‑edit. Bahagi ng 2024 Release sa Oktubre ang mga upgrade sa tab na Mga Mensahe.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Okt 16, 2024
Nakatulong ba ito?