Mga tip sa pagtitipid ng enerhiya na puwedeng magpababa sa iyong mga bayarin sa utility

Sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit na pagbabago, maaari kang makatipid nang malaki at puwedeng mabawasan ang naaaksaya.
Ni Airbnb noong Dis 14, 2022
4 na minutong pagbabasa
Na-update noong Dis 14, 2022

Mga Katangi-tanging Feature

  • Pigilan ang pagsingaw ng hangin at mag-install ng mga nakapirming kagamitan na matipid sa tubig

  • Palitan ang malalaking kagamitan at bunutin sa saksakan ang maliliit na kagamitan

  • Ibahagi sa mga bisita ang mga ginagawa mo para sa pagiging sustainable

Tumataas ang mga presyo ng enerhiya kaya maaaring maging magastos ang pagsisigurong komportable ang iyong patuluyan para sa mga bisita. Bilang host, puwede mong hilingin sa mga bisita na maging maingat sila sa paggamit ng heating, air conditioner, at tubig pero hindi ka dapat umasa sa kanila para mapababa ang iyong mga bayarin sa utility. Mas mainam na solusyon ang pagsasagawa ng mga hakbang para maging mas matipid ang paggamit ng enerhiya sa iyong patuluyan. Malaki ang puwede mong matipid at makakatulong ka sa pangangalaga sa planeta.

Nakikipagtulungan ang Airbnb sa mga eksperto sa pagiging sustainable upang mabigyan ng mga payo at sanggunian ang mga host para sa pagsasaayos ng kanilang mga property. Para magsimula, subukan ang mga tip na ito mula sa Energy Saving Trust, isang organisasyon sa UK na tumutulong sa mga tao na bawasan ang kanilang mga greenhouse gas emission at nakokonsumong enerhiya.

Pigilan ang pagsingaw ng hangin at mag-install ng mga nakapirming kagamitan na matipid sa tubig

Karaniwang inaasahan ng mga bisita na hindi sila maiinitan o giginawin at may magagamit silang mainit na tubig sa patuluyan. Para matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mabawasan ang iyong gastusin, ayusin ang insulation at pagkonserba ng tubig sa iyong property.

  • Mura at epektibong paraan para makatipid sa paggamit ng enerhiya sa anumang uri ng tuluyan ang pagtitiyak na hindi sisingawan ng hangin ang mga bintana, pinto, tsiminea, awang sa paligid ng mga tubo, at saksakan. Makakatulong ang mga insulation film, masilya, foam gasket, roller shades, at makapal na kurtina o curtain liner na mapigilan ang pagsingaw ng hangin.
  • Makakakonserba ng enerhiya ang paglalagay ng insulation sa mga lumang water heater para mapanatili ang init at pagdaragdag ng timer para hindi mag-init ng tubig kapag hindi ginagamit ang iyong patuluyan.
  • Maaaring mabawasan ang nakokonsumong tubig kapag pinalitan ang mga karaniwang bahagi ng tuberyas ng mga toilet valve, gripo, at showerhead na matipid sa tubig. Naghahalo ng hangin sa tubig ang mga aerated showerhead para mapanatiling malakas ang pressure habang binabawasan ang ginagamit na tubig nang hanggang 4.25 galon (16 na litro) kada shower. Regular ding alamin kung may anumang tagas at ayusin ang mga iyon para maiwasan ang pag-aaksaya ng tubig.
  • Makakatipid ng tubig at kuryente kapag naghugas at naglaba nang full-load lang sa dishwasher at washer/dryer nang nakatakda ito sa mababang temperatura o “eco” mode. Habang inihahanda mo ang iyong patuluyan para sa susunod na bisita, itaob ang mga pinggan at isampay ang mga linen para kusang matuyo ang mga ito kapag posible.

Isang Superhost at miyembro ng Host Advisory Board sa Newgale, Wales si Anna at gumagamit siya ng pandekorasyong insulation para matiyak na komportable para sa mga bisita ang mga cottage niya. “Naglagay kami ng mga alpombra sa mga lumang batong pansahig, pati na ng magaganda at makakapal na kurtinang pumipigil sa pagsingaw ng hangin,” sabi ni Anna na bahagi ng komite para sa pagiging sustainable ng Host Advisory Board. “Nakakadagdag ang mga ito ng detalye sa mga kuwarto namin at nakakatulong sa amin ang mga ito na makakonserba ng enerhiya.

Palitan ang malalaking kagamitan at bunutin sa saksakan ang maliliit na kagamitan

Maraming bisita ang nagnanais ng mga amenidad na gaya ng kusinang may kumpletong kagamitan at maaasahang wifi. Maaari mong mabawasan ang paggamit ng kuryente nang hindi nakokompromiso ang iyong hospitalidad.

  • Palitan ang mga bombilya ng ilaw na incandescent at halogen ng mga LED na ilaw para makatipid ng $4 USD hanggang $16 USD kada bombilya bawat taon.
  • Maglagay ng mga sensor at kontrol sa ilaw na medyo mura at madaling i-install para hindi maiwang nakabukas ang mga ilaw. Makakatulong sa pagkonserba ng kuryente ang mga motion sensor dahil awtomatikong bubuksan at papatayin ng mga ito ang mga ilaw kapag natukoy ng mga ito kung naroon o wala roon ang mga bisita.
  • Palitan ang mas malalaking kagamitan ng mga kagamitang matipid sa enerhiya kapag naluma na ang mga ito para makatipid ng kuryente. Kapag pumili ka ng refrigerator na may mas mataas na rating, puwedeng malaki ang maging pagbabago sa iyong mga bayarin sa kuryente sa loob ng karaniwang itinatagal ng produkto.
  • Bunutin sa saksakan ang mas maliliit na device, kasama na ang mga charger ng cell phone, para maiwasang maubos ang power supply. Puwede ring ikonekta ang mga iyon sa power strip o smart switch na mapapatay mo nang malayuan kapag walang namamalagi sa iyong patuluyan. Maaari kang makatipid nang tinatayang 5% sa iyong buwanang bayarin sa kuryente kapag hindi palaging naka-standby mode ang mga device.
“Malaking enerhiya ang nagagamit sa paglilinis at paglalaba,” sabi ni Anna. “Sa usapin ng matipid na paggamit ng enerhiya, talagang mahalaga para sa akin ang paggamit ng washer at dryer na may magandang rating.”

Ibahagi sa mga bisita ang iyong kuwento

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kuwento mo sa paglalarawan ng iyong listing, puwedeng masuportahan ang iyong mga ginagawa para makatipid at mahubog ang karanasan ng iyong mga bisita.

“Sa palagay ko, talagang nakakatulong sa amin ang paglilinaw sa ‘kagawiang pangkalikasan’ namin sa aming listing,” sabi ni Anna. “Puwede mong ilarawan kung paano mo pinapahalagahan ang pagiging sustainable at ang mga ginagawa mo. Makakaengganyo ka ng mga bisitang kagaya mo na may pagmamalasakit sa kapaligiran.”

Mahihikayat din ang mga bisita na gayahin ka kapag ipinaalam mo sa kanila ang lahat ng kailangan nilang malaman. “Siyempre, gusto naming maging masaya at komportable ang pamamalagi ng mga bisita,” sabi ni Anna. “Gayunpaman, nagtatakda kami ng mga inaasahan sa aming listing kung paano namin sinusubukang magtipid sa paggamit ng enerhiya dahil nakakatulong itong maiwasan ang mga gawaing wala sa katuwiran, tulad ng pagtotodo sa heating pagkatapos ay lalabas nang matagal.”

Ilan lang ang mga ito sa maliliit na hakbang na puwede mong gawin para makatulong sa mas matipid na paggamit ng enerhiya sa iyong patuluyan. Puwede kang higit na makatipid kapag gumawa ka ng malalaking pagbabago, gaya ng pag-i-install ng mga solar panel, pagpapalit ng mga bintana, at pag-aayos ng insulation. Maaaring maging kwalipikado para sa mga rebate, kaltas sa buwis, at iba pang insentibo ang mga pagbabagong gagawin mo.

Matuto pa tungkol sa sustainable na pagho-host

Mga Katangi-tanging Feature

  • Pigilan ang pagsingaw ng hangin at mag-install ng mga nakapirming kagamitan na matipid sa tubig

  • Palitan ang malalaking kagamitan at bunutin sa saksakan ang maliliit na kagamitan

  • Ibahagi sa mga bisita ang mga ginagawa mo para sa pagiging sustainable

Airbnb
Dis 14, 2022
Nakatulong ba ito?