Para tutulan ang mga review na paghihiganti

Hilinging alisin ang review na paghihiganti, gaano man katagal nang na‑post iyon.
Ni Airbnb noong Nob 16, 2022
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Dis 11, 2023

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng Airbnb 2022 Release sa Nobyembre. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Matuto pa tungkol sa pinakabago naming release ng produkto.

Alam naming madalas na nag‑aalala ang mga host sa posibilidad na magkaroon ng review na paghihiganti. Tumutukoy ang mga ito sa mga review na may kinikilingan na posibleng gawin ng mga bisita pagkatapos mong iulat na lumabag sila sa isa sa mga alituntunin sa tuluyan mo, napinsala nila ang pag‑aari mo, o gumawa sila ng iba pang malubhang paglabag sa patakaran.

Sa pamamagitan ng sistema sa pagbibigay ng review, matututulan mo ang mga review na sa palagay mo ay paghihiganti.

Proteksyon laban sa mga review na paghihiganti

Nararapat lang na kampante kang makapagpatuloy ng mga bisita nang hindi mo inaalala ang posibilidad na makatanggap ng review na paghihiganti. Puwede kang tumutol sa review na paghihiganti—kailan man ito nai‑post—mula sa mga bisitang gumawa ng matinding paglabag sa mga patakaran, tulad ng:

  • Pagpinsala sa iyong property

  • Pamamalagi nang lampas sa kanilang reserbasyon

  • Paglabag sa iyong mga karaniwang alituntunin sa tuluyan

  • Pagdaraos ng hindi pinapahintulutang party o event sa iyong patuluyan

Hindi ginagarantiyang aalisin ang review kapag tinutulan ito. Kapag tinutulan mo ang isang review, hihilingin namin sa iyong magbigay ng katibayan, tulad ng mga larawan o thread ng mensahe sa mga bisita.

Kailangang maipakita sa iyong katibayan na may malubhang paglabag sa patakaran na nangyari. Dapat malinaw na ang pag‑uulat ng paglabag sa patakaran sa Airbnb at/o ng bisita ay malamang na humantong sa review na paghihiganti.

Mainam na panatilihin ang lahat ng iyong pakikipag‑usap sa mga bisita sa Airbnb inbox mo, para madaling masuri ng aming team ng customer service ang anumang ebidensya. Tandaang tanging mga pangunahing host at pangunahing bisita lang ang maaaring tumutol sa mga review.

Alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa aming patakaran sa pagbibigay ng mga review

Paano gumagana ang patakaran

Halimbawa, nanigarilyo ang bisita sa iyong patuluyan at labag ito sa iyong mga alituntunin sa tuluyan. Sinabihan mo ang bisita na may nahanap kang mga upos ng sigarilyo sa sala, at naghain ka ng kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos para sa masusing paglilinis. Bilang tugon, tumangging magbayad ang bisita at nagbigay siya ng galit na review. Matututulan mo ang review na ito, at sisiyasatin namin ito para tukuyin kung kwalipikado itong tanggalin.

Sinabi sa amin ng mga host ang aming na‑update na patakaran kaugnay ng mga review na paghihiganti na nakatulong sa kanila na mag‑host nang may kumpiyansa.
Sinabi ng host na si Leanne na ang review na paghihiganti sa kanyang listing “ay agad na sinuri at inalis nang gawin ko ang kahilingan. Naramdaman ko talaga ang suporta ng Airbnb.”

Ang host na si Daniel ay “humarap sa review na maituturing na hindi patas,”sabi niya. “Masasabi kong malaking tulong ang [Airbnb Support] sa paglutas ng aking kahilingan.”

Airbnb
Nob 16, 2022
Nakatulong ba ito?