Ang proseso ng AirCover para sa mga Host

Palaging kasama at libre ang kumpletong proteksyon sa tuwing nagho‑host ka.
Ni Airbnb noong May 11, 2022
7 minutong pagbabasa
Na-update noong Ago 16, 2024

Nagbibigay ang AirCover para sa mga Host ng kumpletong proteksyon sa tuwing magpapatuloy ka ng mga bisita. Kasama rito ang pagberipika sa pagkakakilanlan ng bisita, pagsusuri sa reserbasyon, USD1 milyong insurance sa pananagutan para sa host, at USD3 milyong proteksyon sa pinsala na sumasaklaw sa iyong mahahalagang gamit, mga nakaparadang kotse, at mga bangka sa property mo.

Pagberipika sa pagkakakilanlan ng bisita

Nakasalalay sa pagtitiwala ang ating komunidad. Kaya naman dapat tapusin ng lahat ng nagbu‑book na bisita ang aming proseso ng pagberipika sa pagkakakilanlan. Sa pagberipika ng pagkakakilanlan ng bisita, nagsusuri kami ng partikular na personal na impormasyon tulad ng legal na pangalan, address, numero ng telepono, o iba pang detalye sa pakikipag‑ugnayan niya.

Kapag naberipika na ang bisita, makakakuha siya ng badge ng beripikadong pagkakakilanlan. Lumalabas ito bilang pulang badge na may checkmark sa tabi ng litrato sa profile niya sa buong platform ng Airbnb. Bukod pa rito, puwede kaming magsagawa ng background check sa mga bisita sa US.

Alamin ang higit pang detalye tungkol sa pagberipika sa pagkakakilanlan ng bisita

Teknolohiya para sa pagsusuri sa reserbasyon

Ipinagbabawal ng Patakaran para sa Kaguluhan sa Komunidad ang mga hindi pinayagan at mapang‑abalang party. Gumagamit kami ng pag‑aari naming teknolohiya sa pagsusuri para ipatupad ang patakarang iyon at mapaliit ang posibilidad na magkaroon ng mga mapang‑abalang party.

Sinusuri ng system ang iba't ibang salik tulad ng uri ng listing na binu‑book, tagal ng pamamalagi, layo ng listing sa lokasyon ng bisita, at kung pahabol na ginawa ang pag‑book, bukod pa sa ibang senyales para tukuyin kung dapat i‑block ang booking.

Alamin pa ang mga detalye tungkol sa teknolohiya para sa pagsusuri sa reserbasyon

USD3 milyong proteksyon sa pinsala para sa host

Mahigit isang dekada nang nag‑aalok ang Airbnb ng proteksyon sa pinsala para sa mga host na nangunguna sa industriya. Kasama sa proteksyon sa pinsala para sa host, na bahagi ng AirCover para sa mga Host, ang mga proteksyong ito sakaling hindi bayaran ng bisita ang pinsalang idinulot nila sa property o mga pag‑aari mo habang namamalagi sa patuluyan mo:

  • USD3 milyong proteksyon sa pinsala: Kabilang dito ang tuluyan mo at ang mga nasa loob nito.
  • Proteksyon para sa mga obra ng sining at mahalagang gamit: Nagbibigay kami ng proteksyon para sa mahusay na sining, alahas, at mga koleksyon. Puwedeng magbalik ng nagastos kung napinsala ang mga ito.
  • Proteksyon para sa sasakyan at bangka: Magbibigay kami ng proteksyon sa pinsala para sa mga kotse, bangka, at iba pang sasakyang pantubig na nakaparada o nakatago sa property mo.
  • Proteksyon sa pinsalang dulot ng alagang hayop: Babayaran namin ang pinsalang dulot ng mga alagang hayop ng mga bisita.
  • Masusing paglilinis: Ibabalik namin ang nagastos sa mga karagdagang serbisyo sa paglilinis na kinailangan para magtanggal ng mga mantsa at amoy ng sigarilyo.
  • Proteksyon sa pagkawala ng kita: Ibabalik namin ang nawala mong kita kung magkansela ka ng mga nakumpirmang booking sa Airbnb dahil sa pinsalang dulot ng bisita.
  • Linyang pangkaligtasan na madudulugan anumang oras: Kung maramdaman mo mang hindi ka ligtas, mabilis mong magagawang makipag‑ugnayan sa mga dalubhasang ahenteng pangkaligtasan, umaga man o gabi, gamit ang aming app.

Alamin ang higit pang detalye tungkol sa Proteksyon sa pinsala para sa Host

Simpleng pagbabalik ng nagastos

Kung mapinsala ng bisita ang property o mga pag‑aari mo, magagawa mo (o ng co‑host mo na may access sa lahat ng pahintulot at kumikilos sa ngalan mo) na pumunta sa aming Resolution Center para magsumite ng kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos sa ilang hakbang lang. Madaling masusubaybayan ang proseso mula sa pagsusumite hanggang sa pagpapadala ng payout. Ipapadala muna sa bisita ang iyong kahilingan. Kung hindi tutugon o magbabayad ang bisita sa loob ng 24 na oras, makakahingi ka ng tulong sa Airbnb. Isasapriyoridad ang pakikipag‑ugnayan at pagbabalik ng nagastos para sa mga Superhost (na may mga listing sa labas ng estado ng Washington sa US).

USD1 milyong Insurance sa pananagutan para sa Host

Protektado ka ng insurance sa pananagutan para sa host na bahagi ng AirCover para sa mga Host sa bihirang pagkakataong masaktan ang bisita o mapinsala o manakaw ang kanyang mga pag‑aari habang namamalagi siya sa patuluyan mo. Saklaw rin nito ang mga taong tumutulong sa iyong mag‑host, gaya ng mga co‑host at tagalinis.

Saklaw ka ng insurance sa pananagutan para sa host kung mapag‑alamang may pananagutan ka ayon sa batas sa:

  • Pinsala sa katawan na natamo ng bisita (o iba pa)
  • Pinsala o pagkakanakaw sa mga pag‑aari ng bisita (o iba pa)
  • Pinsalang dulot ng bisita (o iba pa) sa mga common area, gaya ng mga lobby ng gusali at kalapit na property

Kung kailangan mong maghain ng paghahabol, gamitin lang ang form sa pagtatala para sa insurance sa pananagutan. Ipapadala namin ang isasaad mong impormasyon sa pinagkakatiwalaan naming third‑party na tagapagbigay ng insurance na siyang magtatalaga ng kinatawan para sa iyong paghahabol. Reresolbahin niya ang paghahabol mo ayon sa mga tuntunin ng polisa ng insurance.

Kung host ka ng Karanasan, saklaw ka ng insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan.

Alamin pa ang mga detalye tungkol sa insurance sa pananagutan para sa host

Hindi saklaw ng proteksyon sa pinsala para sa host, insurance sa pananagutan para sa host, at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan ng AirCover para sa mga Host ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan o Karanasan sa Japan kung saan nalalapat ang Insurance para sa Host sa Japan at Insurance sa Karanasan sa Japan. Hindi rin saklaw ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan sa pamamagitan ng Airbnb Travel, LLC. Nalalapat ang Plano para sa Proteksyon ng Host sa China sa mga host ng mga tuluyan o Karanasan sa mainland China. Tandaang nakasaad sa USD ang lahat ng limitasyon sa pagsaklaw.

Sineseguro ng mga third‑party na tagapagbigay ng insurance ang insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan. Kung host ka ng tuluyan sa UK, sineseguro ng Zurich Insurance Company Ltd. at isinasaayos at pinagpapasyahan ng Airbnb UK Services Limited ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan nang walang karagdagang babayaran ang mga host sa UK. Itinalagang kinatawan ang Airbnb UK Services Limited ng Aon UK Limited na pinapahintulutan at pinapangasiwaan naman ng Financial Conduct Authority. Ang numero ng pagpaparehistro ng Aon sa FCA ay 310451. Makukumpirma mo ito kapag pumunta ka sa Financial Services Register o tumawag ka sa FCA sa 0800 111 6768. Pinapangasiwaan ng Financial Conduct Authority ang polisa ng insurance sa pananagutan para sa host at insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan na bahagi ng AirCover para sa mga Host. Hindi pinapangasiwaang produkto na isinasaayos ng Airbnb UK Services Limited ang iba pang produkto at serbisyo. FPAFF609LC

Sa EU, isinasaayos at pinagpapasyahan ang mga polisang ito nang walang karagdagang babayaran ang mga host sa EU ng Airbnb Marketing Services SLU, isang external na collaborator ng Aon Iberia Correduría de Seguros y Reaseguros, SAU, na pinapahintulutan at pinapangasiwaan ng Autoridad de Control de la Dirección General de Seguros y Fondos de Pensiones, na nakarehistro sa serial number na J0170. 

Kumikilos bilang tagapamagitan para sa EU ang Aon Iberia Correduría de Seguros y Reaseguros SAU para sa pamamahagi ng insurance sa mga bansa sa EU ayon sa kalakaran ng malayang pagseserbisyo alinsunod sa Spanish Insurance Distribution Law, Insurance Distribution Directive, at iba pang probisyong iniaatas ng batas o regulasyon. Ang miyembrong estadong responsable sa pangangasiwa ng Aon ay ang Kingdom ng Spain at ang Awtoridad sa Pangangasiwa na General Directorate of Insurance and Pension Funds, sa Paseo de la Castellana 44, 28046 – Madrid. Walang pinsalang nilalayon sa awtoridad ng bansa ng host kung saan inihahatid ang serbisyo ng pamamahagi ng insurance.

Hindi insurance at hindi nauugnay sa insurance sa pananagutan para sa host ang proteksyon sa pinsala para sa host. Para sa mga listing sa estado ng Washington, saklaw ng polisa ng insurance na binili ng Airbnb ang mga obligasyon ng Airbnb ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host. Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host na ito sa mga host na hindi sa Australia nakatira o nakarehistro. Para sa mga host na sa Australia nakatira o nakarehistro, nakadepende ang proteksyon sa pinsala para sa host sa Mga Tuntunin ng Proteksyon sa Pinsala para sa Host para sa mga User sa Australia.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
May 11, 2022
Nakatulong ba ito?