Ano ang mga Host Club sa Airbnb?

Sumali sa lokal na club para makakuha ng mga tip mula sa mga kalapit na host.
Ni Airbnb noong Mar 8, 2023
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Mar 8, 2023

Ayon sa datos ng Airbnb, nagiging mas matagumpay ang mga host na sumasali sa mga Host Club kumpara sa mga hindi sumasali. Mas malaki nang 86% ang posibilidad na makatapos ng tatlong reserbasyon ang mga bagong host na sasali sa host club kumpara sa mga host na hindi sasali. Nakakakuha rin ang mga miyembro ng mas malalaking kita at mas matataas na review, at mas malaki ang posibilidad nilang maging Superhost.

Ayon nga sa isang host: “Natutuwa akong may nalalapitan akong network ng mga lokal na host para makipagpalitan ng mga sanggunian at ideya. Natutulungan din ng club ang mga host na maunawaan ang mga nagbabagong alituntunin sa pagho-host sa aming bansa.”

Ano ang Host Club?

Komunidad ng mga lokal na host ang mga Host Club sa Airbnb kung saan nakikipag-ugnayan online at nang personal ang mga host para magtanong, magbahagi ng mga tip, ipagdiwang ang mga nakakamit, at pag-usapan ang kanilang karanasan sa pagho-host.

Pinapangasiwaan ang mga grupo ng mga nagboluntaryong host na tinatawag na mga Lider ng Komunidad. Sila ang nagsisimula ng mga usapan at nag-oorganisa ng mga pagtitipon at oportunidad para sa pagboboluntaryo. Nakikipagtulungan din sa Airbnb ang mga lider para maiparating sa mga miyembro ng club ang mga pinakabagong update at content na nagbibigay ng impormasyon.

Gumagamit ang lahat ng club ng mga pribadong grupo sa Facebook kaya kailangan mo ng account para makasali sa mga pag-uusap. Nagsasagawa rin ang mga club ng mga pagtitipon na madadaluhan ng lahat ng host. May mga komunidad na nagsasagawa ng mga personal na pagtitipon habang online naman ang iba.

Higit sa lahat, network na nagbibigay ng suporta ang mga Host Club. Puwedeng lumapit doon kapag kailangan mo ng payo o gusto mo lang makipag-usap sa ibang host.

Pagsali sa Host Club

Kailangan mo lang ng host account sa Airbnb at Facebook account para makasali sa isang Host Club. May mahigit 600 club sa 90 bansa kaya posibleng makahanap ka ng ganito na malapit sa iyo. Kung nakatira ka sa lugar na wala pang club, puwede kang magsimula ng Host Club.

Kapag nakahanap ka na ng lokal na club, madali lang sumali:

  1. Pumunta sa grupo sa Facebook na naka-link sa mapa at magpadala ng kahilingang sumali.

  2. Sagutin ang mga tanong para sa pagiging miyembro para matulungan kaming makumpirma ang iyong host account.

  3. Kapag naaprubahan na ang iyong kahilingan, kasali ka na.

Mga kagandahan ng pagiging miyembro ng Host Club

Pinakanakakaengganyo sigurong kagandahan ng pagsali sa isang club ang pagkakaroon ng pagkakataong makahingi ng feedback online tungkol sa iyong listing o makapagtanong sa ibang host ng mga bagay na may kaugnayan sa pagho-host, tungkol man sa mga lokal na regulasyon o pinakamagandang serbisyo sa paglilinis.

Makakasali ka sa mga pagtitipon kaya makikilala mo rin ang mga host sa iyong lugar. Puwede kang magkaroon ng mga kaibigan at kakilalang propesyonal na malalapitan mo kung magkaproblema ka o mangailangan ka ng tulong.

Ang nangyayari sa mga Host Club

Nagawa na ng mga club ang mga ito: magtampok ng mga lokal na negosyo, gumawa ng mga inisyatibo para sa sustainability, magsulong ng mga alituntunin para sa panandaliang pagpapatuloy, at sama-samang magboluntaryo. Kadalasang may mga nabubuong espesyal na ugnayan o may naitutulong sa komunidad ang mga pagtitipon. Narito ang dalawang halimbawa:

  • Nag-imbita ng kilalang interior designer ang Host Club sa Girona, Spain para sa isang Q&A session kung saan makakapagtanong ang mga miyembro kung paano nila mapapaganda ang mga patuluyan nila.

  • Nag-organisa ng matagumpay na paglilinis ng beach ang isang grupo ng mga Lider ng Komunidad sa Panama para sa kanilang Host Club.

Kadalasang nagiging daan para makapagbigay ng suporta ang mga post sa Facebook. Narito ang mga halimbawa mula sa Host Club sa Catskills at Hudson Valley, New York:

  • Kinumusta ng isang Lider ng Komunidad ang pagho-host ng lahat at nag-alok siyang tumulong sa pag-iisip ng mga puwede pang mapahusay.

  • Nagtanong ang isang host kung paano maiiwasan ang mga dobleng booking.

  • Nanghingi ang isang host ng mga rekomendasyon para sa lokal na gumagawa ng sauna at naglilinis ng niyebe.

  • Nagtanong ang isang host kung may puwedeng magpatuloy nang isang linggo sa grupong may 10 miyembro.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

Airbnb
Mar 8, 2023
Nakatulong ba ito?