Piliin ang angkop na patakaran sa pagkansela para sa iyo
Mga Katangi-tanging Feature
Puwedeng makatulong sa iyo ang tamang patakaran sa pagkansela para makahikayat ng mga booking na gusto mo
- Puwede mong i-update ang iyong patakaran anumang oras
Kailangang pag-isipang mabuti ang pagpili ng patakaran sa pagkansela. Mainam na iwasan ang mga pagkansela habang nakakaengganyo pa rin ng mga bisita—at gusto ng mga bisita ngayon ng higit na flexibility sa pagpaplano nila ng kanilang mga nalalapit na biyahe.
Dahil may iba't ibang pangangailangan ang bawat host, gumawa kami ng ilang patakaran sa pagkansela. Puwede mong piliin ang mga pamantayan at pangmatagalang patakaran na pinakamainam para sa iyo.*
Mga karaniwang patakaran
Para sa mas maiikling reserbasyon ang iyong karaniwang patakaran sa pagkansela. Nalalapat ito sa lahat ng booking na mas maikli sa 28 sunod-sunod na gabi.
- Flexible na patakaran sa pagkansela: Puwedeng magkansela ang mga bisita nang hanggang 24 na oras bago ang pag-check in para sa buong refund, at hindi ka mababayaran. Kung nagkansela sila nang wala pang 24 oras bago ang pag-check in at hindi sila nakapag-check in, babayaran ka para sa unang gabi. Kung nagkansela sila pagkatapos ang pag-check in, babayaran ka para sa bawat gabi ng pamamalagi, kasama ang 1 karagdagang gabi.
- Rasonableng patakaran sa pagkansela: Puwedeng magkansela ang mga bisita nang hanggang 5 araw bago ang pag-check in para sa buong refund, at hindi ka mababayaran. Kung magkansela sila pagkatapos nito, babayaran ka para sa bawat gabi ng pamamalagi, kasama ang 1 karagdagang gabi at 50% para sa lahat ng natitirang gabi.
- Medyo mahigpit na patakaran sa pagkansela: Para makatanggap ng buong refund, dapat magkansela ang mga bisita nang hindi bababa sa 30 araw bago ang pag-check in. Puwede rin silang makakuha ng buong refund sa loob ng 48 oras ng pag-book kung magkakansela sila nang hindi bababa sa 14 na araw bago ang pag-check in. Kung magkakansela sila sa pagitan ng 7 at 30 araw bago ang pag-check in, babayaran ka ng 50% para sa lahat ng gabi. Kung magkakansela sila nang mas mababa sa 7 araw bago ang pag-check in, babayaran ka ng 100% para sa lahat ng gabi.
- Mahigpit na patakaran sa pagkansela: Para makatanggap ng buong refund, dapat magkansela ang mga bisita sa loob ng 48 oras pagkatapos mag-book. Dapat na gawin ito nang hindi bababa sa 14 araw bago ang pag-check in. Kung magkakansela sila sa pagitan ng 7 at 14 araw bago ang pag-check in, babayaran ka ng 50% para sa lahat ng gabi. Kung magkakansela sila pagkatapos nito, babayaran ka ng 100% para sa lahat ng gabi.
Mga pangmatagalang patakaran
Malalapat ang iyong pangmatagalang patakaran sa pagkansela sa mga reserbasyong may tagal na 28 o higit pang magkakasunod na gabi. Ipapawalang bisa nito ang iyong karaniwang patakaran.
- Medyo mahigpit na pangmatagalang patakaran sa pagkansela: Para makatanggap ng buong refund, dapat magkansela ang mga bisita nang hindi bababa sa 30 araw bago ang pag-check in. Kung magkakansela ang bisita pagkalipas ng palugit na iyon, babayaran ka ng 100% ng lahat ng gabing ginugol at ng 30 karagdagang gabi. Kung wala nang 30 gabi ang natitira sa reserbasyon kapag nagkansela ang bisita, babayaran ka ng 100% ng lahat ng natitirang gabi.
- Mahigpit na pangmatagalang patakaran sa pagkansela: Makakatanggap lang ng buong refund ang mga bisitang magkakansela ng reserbasyon kung kakanselahin nila ang reserbasyon sa loob ng 48 oras pagkatapos mag-book at kahit man lang 28 araw bago ang petsa ng pag-check in. Kung magkakansela ang bisita pagkalipas ng palugit na iyon, babayaran ka para sa lahat ng gabing ginugol at 30 karagdagang gabi mula sa petsa ng pagkansela. Kung magkakansela ang bisita kapag wala nang 30 araw ang natitira sa reserbasyon, babayaran ka ng 100% ng lahat ng natitirang gabi.
Tandaan: Palaging mare-refund ang mga bayarin sa paglilinis kung magkakansela ang bisita bago ang pag-check in, anuman ang patakaran sa pagkansela ng host. May ilang salik na pinagbabatayan para sa pag-refund ng mga bayarin sa serbisyo ng bisita sa Airbnb. Matuto pa tungkol sa pag-refund sa mga bayarin
Aling patakaran ang naaangkop para sa akin?
Nakadepende ito sa kung paano makakaapekto ang pagkansela sa iyo at sa iyong negosyong pagho-host. Isipin ang iyong mga pangangailangan at target, pati na rin ang pinakamainam na mga bisita para sa iyo, at piliin ang patakarang sumusuporta sa kanila.
Isaalang-alang ang pagpili ng flexible na patakaran kung:
- Mababa ang demand, at gusto mong makahikayat ng mga bisitang interesadong magkaroon ng flexibility sa kanilang mga plano sa pagbibiyahe.
- Mataas ang demand, at tiwala ka na muling mabu-book ang iyong patuluyan kung magkakansela ang bisita.
- Nasa magandang lokasyon ang iyong listing, at hindi ka nababahala tungkol sa mga last-minute na pagkansela.
Isaalang-alang ang pagpili ng rasonableng patakaran kung:
- Gusto mong maiwasan ang mga last-minute na pagkansela.
- Gusto mong magkaroon ng panahon para makakuha ng panibagong booking kung magkakansela ang bisita.
- Gusto mo pa ring makahikayat ng mga bisita na may mga planong nangangailangan ng higit na koordinasyon, tulad ng mga business traveler na kinakailangang mag-book ng mga reserbasyong maaaring i-refund.
Isaalang-alang ang pagpili ng medyo mahigpit na patakaran kung:
- Gusto mong maiwasan ang mga pagkansela, pero puwede mo namang pangasiwaan ang mga ito nang may sapat na paunang abiso.
- Gusto mo ng mas mahabang panahon para makakuha ng panibagong booking kung magkakansela ang bisita.
- Mataas ang demand para sa iyong tuluyan sa buong taon.
Naiiba ang medyo mahigpit na patakaran sa mahigpit na patakaran dahil puwede pa ring makakuha ng buong refund ang mga bisita sa medyo mahigpit na patakaran kung magkakansela sila 30 araw bago ang pag-check in.
Isaalang-alang ang pagpili ng mahigpit na patakaran sa pagkansela kung:
- Gusto mong maiwasan ang mga pagkansela at wala kang oras para maghanap o pangasiwaan ang mga kapalit na booking.
- Nagho-host ka nang mag-isa, at nakakagambala sa iyong iskedyul ang mga last-minute na pagkansela.
- Mataas ang demand para sa iyong tuluyan, at hindi makakahadlang ang mahigpit na patakaran sa mga bisita na i-book ito.
Kumikita nang mas malaki ang ilang host sa pamamagitan ng pagdaragdag ng hindi mare-refund na opsyon sa kanilang patakaran sa pagkansela. Pinapahintulutan ng opsyon ang mga bisita na pumili ng mas mahigpit na patakaran sa pagkansela para sa presyong may diskuwento, karaniwang 10% diskuwento sa iyong batayang presyo. Kung mag-o-opt in sila at kakanselahin sa ibang pagkakataon ang reserbasyon, makukuha mo pa rin ang iyong buong payout para sa lahat ng gabing naka-book.
Tungkol sa paghahanap ng kung ano ang naaangkop para sa iyo at sa iyong mga bisita ang pagpili ng patakaran sa pagkansela. Tandaan lang na maraming tao ang nagnanais ng flexibility kapag bumibiyahe. Para masiguro ang kanilang mga reserbasyon, subukang magsimula sa pinaka-flexible na patakaran sa pagkansela na sumusuporta sa iyong gawain sa pagho-host.
Tuklasin ang higit pa sa aming gabay sa pag-set up ng matagumpay na listing
*Ibang patakaran ang nalalapat sa mga reserbasyon sa Germany, Italy, at South Korea.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.
Mga Katangi-tanging Feature
Puwedeng makatulong sa iyo ang tamang patakaran sa pagkansela para makahikayat ng mga booking na gusto mo
- Puwede mong i-update ang iyong patakaran anumang oras