Japan Host Insurance
Proteksyon para sa bawat host. Sa bawat listing. Sa bawat pagkakataon.
Ano ang sinasaklaw?
Japan Host Insurance may provide coverage of up to ¥300,000,000 JPY if property or a listing owned by the Host is damaged due to the guest’s stay. It may also provide coverage of up to ¥100,000,000 where the Host incurs liability or expenses in relation to property damage or bodily injury of the guest or third party.
Maaaring saklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang:
- Mga sitwasyon kung saan napinsala ang listing na pag‑aari ng host dahil sa pamamalagi ng bisita
- Mga sitwasyon kung saan may pananagutan ang host sa pinsala sa katawan ng bisita o third party
- Mga sitwasyon kung saan may pananagutan ang host sa pinsala sa pag‑aari ng bisita o third party
- Pagsaklaw sa gastos sa mga sitwasyon kung saan nagkaroon ang host ng partikular na gastos kaugnay ng pinsala sa pag‑aari o katawan ng bisita o third party
- Mga gastos sa pag‑aayos sa property na namantsahan o kailangang tanggalan ng amoy
Hindi saklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang:
- Pera at mga security ng host
- Pinsalang dulot ng sinasadyang kilos ng host
- Makatwirang pagkaluma at pagkasira
- Mga gastos sa karaniwang paglilinis
Mga host ng tuluyan sa Japan lang ang saklaw ng insurance. Para masaklaw, lisensyado dapat ang mga host o may pahintulot dapat silang magpatakbo ng negosyong pagpapagamit ng tuluyan alinsunod sa naaangkop na batas. Sumasang‑ayon ang mga host na gustong mabayaran ng Insurance para sa Host sa Japan na makipagtulungan sa Airbnb at sa kompanya ng insurance. Kasama rito ang pagbibigay ng dokumentasyon ng hinahabol na pinsala at pagpayag na magsagawa ng pagsisiyasat sa mga bihirang pagkakataon kapag kinakailangan.page ng buod ng Insurance para sa Host sa Japan. Para humiling ng kopya ng kumpletong polisa ng insurance, makipag‑ugnayan sa Aon Japan Ltd. at ibigay ang impormasyon ng Airbnb account mo.
May mga limitadong proteksyon para sa ilang partikular na uri ng property. Dapat pag‑isipan ng mga host na itabi o alisin ang mahahalagang pag‑aari nila kapag ipinapagamit nila ang kanilang listing at gumamit ng hiwalay na insurance para masaklaw ang mga ganoong bagay. May mga partikular na kondisyon, limitasyon, at pagbubukod para sa mga pagbabayad ng Insurance para sa Host sa Japan. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Para maghain ng paghahabol
Para sa mga host na may paghahabol sa bayad‑pinsala sa kanilang personal na property at/o pag‑aaring listing:
Para sa mga host na may paghahabol sa bayad‑pinsala sa kanilang
personal na property at/o pag‑aaring listing:1. Magtipon ng katibayan ng pinsala
Maaaring kasama rito ang mga litrato, video, pagtatantya, at/o resibo ng mga gamit.
2. Makipag‑ugnayan kaagad sa bisita sa pamamagitan ng Resolution Center
Kapag hiniling sa iyong pumili ng dahilan ng paglutas, piliin ang: “Mga napinsala o nawawalang item.” Bibigyan ng pagkakataong tumugon ang bisita. Kung hindi tutugon ang bisita sa loob ng 72 oras, puwede kang humingi ng tulong sa Airbnb.
3. Mabayaran para sa nagastos o humingi ng tulong sa Airbnb
Kung hindi papayag ang bisita na bayaran ang buong halaga, maaari kang mabayaran para sa nagastos mo ayon sa Insurance para sa Host sa Japan. Pagkatapos makipag‑ugnayan sa Airbnb, gagabayan ka ng espesyalista ng suporta sa proseso.
For Hosts who incur liability or other
expenses: Sa bihirang pagkakataon kung saan may nasaktang bisita o third party o napinsala o nanakaw ang mga pag‑aari nila at may legal na pananagutan ka o gumastos ka para mabayaran sila, dapat kang makipag‑ugnayan sa Suporta sa Komunidad. Pagkatanggap ng pansuportang dokumentasyon at impormasyon, ililipat ng Airbnb sa third‑party na insurance carrier at sa third‑party na tagapangasiwa ng paghahabol nila ang support case.Makipag‑ugnayan sa Suporta sa Komunidad
Your questions answered
Kailangan bang mayroon akong insurance para sa may‑ari ng tuluyan o nangungupahan?
Hindi dapat ituring na kapalit o kahalili ng insurance para sa may‑ari ng tuluyan o nangungupahan ang Insurance para sa Host sa Japan. Pag‑isipang gumamit ng hiwalay na insurance para sa mga mamahaling bagay na gaya ng mga alahas, obra ng sining, at koleksyon dahil may limitadong proteksyon ang mga ito sa Insurance para sa Host sa Japan.
Mariin naming hinihikayat ang lahat ng host na suriin at intindihin ang mga tuntunin ng polisa ng insurance nila, pati ang saklaw at hindi saklaw sa ilalim nito. May mga plano ng insurance na walang pagsaklaw sa pinsala sa o pagkawala ng pag‑aari ng sambahayan na dulot ng bisitang magbu‑book sa patuluyan mo.Anong mga proteksyon ang nalalapat sa mga host ng tuluyan sa labas ng Japan?
Mga host ng tuluyan sa Japan lang ang saklaw ng Insurance para sa Host sa Japan.