Patakaran ng komunidad
Ano ang inaasahan sa mga host at sa kanilang mga patuluyan
Ano ang inaasahan sa mga host at sa kanilang mga patuluyan
Kailangang matugunan ng bawat host ang mga pangunahing pamantayang ito para magkaroon ang kanilang mga bisita ng komportable at magandang karanasan.
- Maaasahang pakikipag‑ugnayan: Dapat ay mabilis tumugon at handang sumagot ng tanong mula sa mga bisita o sa Airbnb sa loob ng makatuwirang panahon ang mga host. Dapat ding sundin nila ang anumang kinakailangang hakbang na ibibigay ng Airbnb para maayos ang mga isyu.
- Tumpak na listing: Tumutugma dapat sa paglalarawan ng listing sa panahon ng pagbu‑book ang property ng host, lokasyon, uri ng listing, antas ng privacy, at mga amenidad. Puwede lang baguhin ng mga host ang mga detalye ng natanggap nang booking kung papahintulutan ng bisita.
- Mga ligtas na tuluyan: Responsabilidad ng mga host na panatilihing ligtas ang listing nila. Dapat magbigay ng mga susi o access code para sa lahat ng pangunahing pasukan.
- Maaasahang pag‑check in: Dapat ibigay ng mga host sa mga bisita ang tamang impormasyon para ma‑access ang tuluyan nila sa pag‑check in (hal., mga tamang access code at malinaw na direksyon). Dapat dumating sa napagkasunduang oras ang mga host na gustong sumalubong sa mga bisita sa pag‑check in. Dapat panatilihing ligtas ang paggamit ng mga lockbox o entry code (hal., palitan ang mga code sa kada reserbasyon).
- Mga malinis na tuluyan: Dapat ay walang banta sa kalusugan (hal. amag, peste, daga) sa property ng host, nakakatugon ito sa mataas na pamantayan ng kalinisan, at linisan ito sa pagitan ng bawat reserbasyon.
- Mga ligtas na tuluyan: Responsabilidad ng mga host na panatilihing walang banta sa kaligtasan ang listing (hal., nahaharangang fire exit, posibilidad na makuryente, lason sa daga). Dapat ihayag sa paglalarawan ng listing ang mga panganib na hindi maaalis sa listing (hal., mataas na lugar, katubigan sa paligid). Bukod pa rito, dapat sundin ng mga host ang lahat ng naaangkop na batas at regulasyoon (hal., dapat matugunan ng listing ang mga naaangkop na rekisito ng fire code). Matuto pa tungkol sa impormasyong pangkaligtasan sa mga listing.
- Pahintulot sa pagho‑host: Iniaatas ng Airbnb na kumuha ng pahintulot sa pagho‑host at sumunod sa lahat ng naaangkop na batas ang lahat ng host. Hindi puwedeng gumamit ng third‑party para mag‑book ng hotel o patuluyan at i‑list ito sa Airbnb. Dapat sumunod ang mga host sa mga partikular na alituntunin para sa mga timeshare o katulad na uri ng tuluyan kapag pinag‑iisipan nilang mag‑list ng ganoon sa Airbnb.
- Kapakanan ng mga hayop: Hindi tinatanggap sa ating komunidad ang mga tuluyan o Karanasan na nananamantala ng mga hayop (hal., mga madadaanang zoo o mga Karanasan sa pangangaso ng hayop bilang palamuti). Kailangang matugunan ng mga host ang mga alituntunin ng Airbnb para sa kapakanan ng mga hayop. Matuto pa tungkol sa mga pangunahing alituntunin para sa mga host.
Matuto pa tungkol sa mga pangunahing alituntunin para sa mga host.
Handa kaming tumulong
Kung may masaksihan o maranasan kang asal o gawi na labag sa aming mga patakaran, ipaalam iyon sa amin.
Hindi man natatalakay sa mga tagubiling ito ang bawat posibleng sitwasyon, idinisenyo ang mga ito para makapagbigay ng pangkalahatang patnubay sa mga patakaran sa komunidad ng Airbnb.
Nakatulong ba ang artikulong ito?
Mga kaugnay na artikulo
Buffalo, NY
Kung pinag-iisipan mong maging Airbnb host, narito ang ilang impormasyong makakatulong sa iyong maunawaan ang mga batas sa lungsod moAbiso sa Data Privacy ng Portal ng mga Tagapagpatupad ng Batas ng Airbnb
Layon ng Abiso sa Data Privacy na ipabatid sa iyo ang iba't ibang aspeto ng mga personal na datos na hawak ng Airbnb Ireland Unlimited Compa…- Host
Ano ang mga regulasyong naaangkop sa aking lungsod?
Hindi kami nagbibigay ng legal na payo, pero mayroon kaming ilang kapaki-pakinabang na sanggunian na posibleng makatulong sa iyo na maunawaa…