Anim na paraan para makakuha ng mga pahabol na booking

Puwedeng ma‑book ang mas maraming gabi sa kalendaryo mo kapag nagdagdag ng mga diskuwento at tumanggap ng mas maiikling pamamalagi.
Ni Airbnb noong Nob 11, 2024
4 na minutong pagbabasa
Na-update noong Nob 11, 2024

Kung minsan, hindi inaasahang nababakante kahit ang mga pinakapatok na listing. Pag‑isipan ang anim na tip na ito para makakuha ng mga pahabol na booking at malubos ang kikitain mo.

1. Magdagdag ng diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book

Mahihikayat na mag‑book ang mga bisita kapag may diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book. Nalalapat ang mga ito sa mga reserbasyong na‑book nang 1 hanggang 28 araw bago ang pag‑check in.

May lalabas na espesyal na palatandaan sa page ng listing mo at sa mga resulta ng paghahanap kapag nagtakda ng diskuwentong 10% o higit pa sa median na presyo ng listing mo sa loob ng 60 araw. Isasaad ang presyong may diskuwento sa tabi ng orihinal na itinakda mong presyo na naka‑strikethrough.

Para magdagdag ng diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book:

  • Pumunta sa tab na Presyo sa kalendaryo ng listing mo.
  • Sa Higit pang diskuwento, buksan ang Mga diskuwento para sa pahabol na pagbu‑book.
  • Ilagay ang bilang ng araw bago ang pagdating mula 1 hanggang 28.
  • Ilagay ang porsyentong diskuwento na gusto mong ialok.

Puwede mong i‑adjust ang diskuwento depende kung kailan na‑book ang reserbasyon. Halimbawa, puwede mo itong dagdagan nang paunti‑unti habang papalapit ang petsa ng pag‑check in. 

Tandaang hindi magagamit ang diskuwentong ito kapag naka‑on ang Smart Pricing.

2. Payagan ang mas maiikling pamamalagi

Posibleng isa o dalawang araw lang ang biyahe ng mga bisitang gustong magbakasyon nang biglaan. Kapag pinaikli mo ang nakatakdang minimum na tagal ng pamamalagi, magkakaroon sila ng opsyong mag‑book ng mas maiikling pamamalagi at nakakahikayat ito ng mga biyaherong gustong mag‑book nang pahabol. 

 Para paikliin ang minimum na tagal ng pamamalagi:

  • Pumunta sa tab na Availability sa kalendaryo ng listing mo.
  • I‑tap ang Minimum na bilang ng gabi sa Tagal ng pamamalagi.
  • I‑edit ang minimum na tagal ng pamamalagi para itakda ang bilang ng gabi na gusto mo.

3. Maghambing ng mga katulad na listing sa malapit

Makakatulong ang tool ng Airbnb sa paghahambing ng mga katulad na listing para makapagtakda ka ng sulit na presyo para sa mga gabing hindi naka‑book. Alamin ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa lugar mo sa parehong mga petsa at pag‑isipang i‑adjust ang itinakda mong presyo kada gabi. 

Para maghambing ng mga katulad na listing:

  • Pumunta sa tab na Presyo sa kalendaryo ng listing mo.
  • Pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.
  • I‑tap ang I‑preview ang mga katulad na listing.

Sa mapa ng lugar mo, lalabas ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit batay sa mga salik tulad ng lokasyon, sukat, at mga amenidad. Gamitin ang mga button sa mapa para ilahad ang mga listing na naka‑book o hindi naka‑book.

“Palagi kong sinisigurong sulit para sa mga bisita ang itinatakda kong presyo, kaya gusto kong malaman kung magkano ang kinikita ng mga host sa lugar ko kada gabi,” sabi ni Felicity na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa New South Wales, Australia.

4. Isaayos ang presyo kada gabi

Baka mahikayat ang mga bisita na i‑book ang tuluyan mo kung pansamantalang babawasan ang presyo sa mga gabing hindi naka‑book. Kadalasang mas mataas ang ranking sa mga resulta ng paghahanap ng mga listing na mas mababa ang presyo kaysa sa ibang katulad na listing sa malapit. Puwede mong i‑adjust ulit ang presyo kahit kailan kapag mas marami nang nagbu‑book na bisita at naabot mo na ang inaasahan mong kita.

5. Paikliin ang paunang abiso

Subukang payagan ang mga bisita na mag‑book nang mas malapit sa petsa ng pag‑check in para ma‑book ang mga gabi sa kalendaryo mo kapag mababa ang demand. Puwede kang pumili ng lead time na hanggang sa mismong araw ng pag‑book, depende kung gaano katagal ang kailangan mo sa pagitan ng pagbu‑book ng bisita at pagdating niya.

“Naranasan ko nang bumiyahe at mangailangan ng pahabol na matutuluyan kaya hindi ako nagtatakda ng limitasyon sa kung kailan puwedeng magpadala ng kahilingan sa pagpapareserba ang bisita,” sabi ni Miranda na Superhost sa Little Rock, Arkansas. “Kahit na walang naka‑book sa susunod na araw, sinisigurado kong malinis at handang pamalagian ang tuluyan.”

Para baguhin ang minimum na lead time:

  • Pumunta sa tab na Availability sa kalendaryo ng listing mo.
  • Buksan ang Paunang abiso.
  • Piliin ang bilang ng araw na gusto mo.

Puwede mo ring payagan ang mga kahilingang may mas maikling abiso kaysa sa minimum na lead time. Hihilingin sa iyo na suriin at aprubahan ang mga ganitong kahilingan.

6. Mag‑imbita ng mga kaibigan at kapamilya

Makipag‑ugnayan sa mga personal mong contact sa social media, email, o text at ipaalam sa kanilang puwedeng i‑book ang tuluyan mo. Posibleng may tao sa network mo na mahikayat na mag‑book ng biglaang pamamalagi.

Mahalaga ang malinaw na pakikipag‑ugnayan sa pagho‑host ng anumang pamamalagi, lalo na para sa mga pahabol na booking. Kung wala nang 48 oras bago ang pag‑check in ng bisita pagka‑book niya ng reserbasyon, posibleng labas sa karaniwang palugit ang piliin niyang oras ng pag‑check in. Kung naka‑activate ang Madaliang Pag‑book sa listing mo, may matatanggap kang pagtatanong para mag‑book. Maging handang magbigay ng malinaw na mga tagubilin sa pag-check in at ipaalam sa kanya kung kailangan mo ng mas matagal na panahon sa pagitan ng bawat pamamalagi.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Nob 11, 2024
Nakatulong ba ito?