Pagpapatuloy sa panahon ng krisis sa Airbnb.org
Mga Katangi-tanging Feature
Isang independiyenteng nonprofit na bunga ng kabutihan ng mga host ang Airbnb.org
Kwalipikadong makakuha ng badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org ang mga host na nag-aalok ng mga libre o may diskuwentong matutuluyan o nagbibigay ng mga umuulit na donasyon
Nagbibigay inspirasyon sa amin araw-araw ang kakayahan mo bilang host na maipadama sa mga tao na tanggap sila sa iyong patuluyan. Partikular naming ipinagmamalaki ang pagsuporta ng komunidad ng mga host sa Airbnb.org, ang nonprofit na itinatag noong 2020 para ipagpatuloy ang nasimulan sa mga programang Open Homes at Mga Matutuluyan para sa mga Frontliner.
Mula 2012, nakapagpatuloy na ang mga host ng mahigit sa 100,000 katao, kabilang ang mga refugee, asylum seeker, essential worker na unang tumutugon sa pandemyang dulot ng COVID-19, at taong lumikas sa mga mapaminsalang sakuna sa iba't ibang panig ng mundo.
Nagiging posible ang ginagawa ng Airbnb.org dahil sa kabutihan ng mga host na nagkakaloob ng mga matutuluyan at ng mga nagbibigay ng donasyon na nagpopondo para masuportahan ang mga taong nangangailangan.
Pagkuha ng badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org
Kinikilala namin ang kabutihan ng komunidad ng mga host sa pamamagitan ng pag-aalok ng badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org. Magagawa ng mga host na suportahan ang Airbnb.org at makakuha ng badge sa pamamagitan ng:
Pag-sign up para mag-host ng mga pang-emergency na matutuluyan nang libre o nang may diskuwento
Pagbibigay ng umuulit na donasyon
Pagho-host ng mga pang-emergency na matutuluyan
Kinikilala ng badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org ang mga host na may kahit man lang isang aktibong listing sa Airbnb.org na nag-aalok ng mga libre o may diskuwentong pang-emergency na matutuluyan. Kapag nag-alok ka ng tuluyan sa Airbnb.org, binibigyan mo ng matutuluyan ang mga taong lumikas, refugee, o iba pang nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan sa panahon ng krisis.
Pagbibigay ng umuulit na donasyon
Puwede mo ring makuha ang badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org kapag nag-sign up ka para tuloy-tuloy na magbigay ng porsyento ng iyong mga payout bilang donasyon saAirbnb.org. Kung mas gusto mo, puwede ka ring gumawa ng minsanang donasyon nang walang makukuhang badge.
Matuto pa tungkol sa pagbibigay ng donasyon mula sa iyong payout.Pag-alam sa mga sagot sa mga madalas itanong
Ano ang kaugnayan ng Airbnb.org sa Open Homes at Mga Matutuluyan para sa mga Frontliner?
Noong 2020, naging Airbnb.org, isang 501(c)(3) na nonprofit, ang mga programang Open Homes at Mga Matutuluyan para sa mga Frontliner ng Airbnb. Bagama't miyembro rin ng komunidad ng Airbnb.org ang mga miyembro ng komunidad ng Airbnb, independiyenteng organisasyon ang nonprofit at mayroon itong sariling lupon ng mga direktor.
Saan lumilitaw ang badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org?
Lumilitaw ang badge sa iyong mga page ng profile ng host at listing. Kung gusto mong itago ang iyong badge, makipag-ugnayan sa aming team ng suporta.
Nakakaapekto ba ang badge sa aking listing sa paghahanap?
Sa pamamagitan ng badge, kinikilala ang bukas-palad na suporta mo sa Airbnb.org. Hindi ito nakakaapekto sa paglabas ng mga listing sa mga resulta ng paghahanap sa Airbnb, at hindi mafi-filter ng mga bisita ang mga paghahanap nila batay sa mga badge ng Airbnb.org sa ngayon.
Nakakaapekto ba ang badge sa aking badge o katayuan bilang Superhost?
Hindi nakakaapekto ang badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org sa iyong badge o katayuan bilang Superhost. Lilitaw ang badge sa tabi ng iyong badge bilang Superhost.
Mawawala ba ang badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org kung mag-o-opt out ako sa pagho-host o pagbibigay ng donasyon sa Airbnb.org?
Oo, pero lilitaw muli ang badge kung ipagpapatuloy mo ang pagho-host sa pamamagitan ng Airbnb.org o pagbibigay ng donasyon sa Airbnb.org. Puwede mong i-unlist ang iyong tuluyan anumang oras sa Airbnb.org o ihinto o itigil ang umuulit na donasyon mo.
Paano nakakatulong ang Airbnb?
Nangako ang Airbnb na popondohan nito ang mga gastos sa pagpapatakbo ng Airbnb.org, kaya direktang mapupunta ang lahat ng donasyon sa mga nonprofit partner at taong pinaglilingkuran ng Airbnb.org.
Mga Katangi-tanging Feature
Isang independiyenteng nonprofit na bunga ng kabutihan ng mga host ang Airbnb.org
Kwalipikadong makakuha ng badge ng Tagasuporta ng Airbnb.org ang mga host na nag-aalok ng mga libre o may diskuwentong matutuluyan o nagbibigay ng mga umuulit na donasyon