Ayusin ang mga setting ng iyong kalendaryo para sa mas matatagal na pamamalagi

I-set ang iyong availability para makahikayat ng mga bisitang naghahanap ng mas matatagal na pamamalagi.
Ni Airbnb noong May 11, 2022
3 minutong pagbabasa
Na-update noong May 11, 2022

Mga Katangi-tanging Feature

  • I-update ang iyong kalendaryo para pahintulutan ang mas matatagal na pamamalagi

  • Sa pamamagitan ng pag-block ng isa o dalawang araw sa pagitan ng mga pamamalagi, makakapaghanda ka para sa mga susunod mong bisita

Naghahanap ang mga bisita ngayon ng mas matatagal na pamamalagi, na nagpapahintulot sa kanilang maglaan ng mas maraming oras para bisitahin ang kanilang pamilya o mag-enjoy sa mga perk ng pagtatrabaho nang malayuan sa bagong lokasyon.

Bilang host, magandang pagkakataon ang mga pamamalaging ito para punan ang iyong kalendaryo at paghusayin ang mga gawain tulad ng paglilinis, pakikipag-ugnayan sa mga bisita, at pangangasiwa sa iyong mga booking. Narito kung paano isaayos ang iyong availability at malugod na tanggapin ang mga bisitang umaasang masisiyahan sa iyong tuluyan sa loob ng ilang linggo o higit pa.

I-update ang iyong kalendaryo para pahintulutan ang mas matatagal na pamamalagi

Kapag na-update mo na ang iyong paglalarawan ng listing para banggitin na tumatanggap ka ng mas matatagal na pamamalagi, siguraduhing napapanahon ang iyong kalendaryo. Dapat i-update ang anumang restriksyon na inilagay sa tagal ng biyahe para maipabatid ang iyong pagnanais para sa mas matatagal na pamamalagi.

Narito kung paano suriin ang iyong availability

“Gusto kong buksan ang aking kalendaryo para sa mas matatagal na pamamalagi anim na buwan bago ang takdang petsang may minimum na 30 gabi.”
Host Oliver,
Lungsod ng New York

Isaayos ang iyong mga setting para sa mas mahusay na karanasan sa pagho-host

Para gumawa ng diskarte sa pagho-host na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan at nagbibigay-daan sa iyong mga buwanang bisita, subukang i-update ang iyong mga setting ng availability. Malaking mga pagbabago ang magagawa ng mga simpleng pag-aayos.

  • Paunang abiso: I-set kung gaano katagal ang abiso (isang araw, dalawang araw, atbp.) na kailangan mo bago ang bawat booking para hindi ka masorpresa. Nagbibigay din sa iyo ang paunang abiso ng mas maraming oras para talakayin ang lohistika sa mga bisitang nasisiyahan sa mas matatagal na pamamalagi. Matuto pa tungkol sa paunang abiso
  • Oras ng paghahanda: Makatutulong ang pagdaragdag ng oras sa pagitan ng mga pamamalagi para lubusang makapaglinis upang makalikha ka ng magiliw na kapaligiran para sa mga bisita. “Pareho kami ni Henry na may trabaho araw-araw at hindi gustong nagmamadali kapag naglilinis kami. Nagba-block kami ng ilang araw pagkatapos ng pamamalaging mahigit sa dalawang linggo para makapaglaan kami ng oras at makapaglinis nang masinsinan,” sabi ni Jessica, isang host sa Seoul, South Korea. Matuto pa tungkol sa oras ng paghahanda
  • Panahon ng availability: Kinokontrol mo kung gaano kaaga mo gustong tumanggap ng mga booking. Halimbawa, puwede mong piliing i-block ang mga petsang 3, 6, o 12 buwan mula sa araw na ito. “Gusto kong buksan ang aking kalendaryo para sa mas matatagal na pamamalagi anim na buwan bago ang takdang petsang may minimum na 30 gabi,” sabi ni Oliver, isang host sa New York City. Matuto pa tungkol sa pagse-set ng iyong availability
  • Mga rule-set: Makakagawa at makakapag-edit ng mga rule-set ang mga host na may anim o higit pang listing. Puwede mong gamitin ang mga rule-set para awtomatikong ayusin ang iyong presyo depende sa oras ng taon, magbigay ng mga diskuwento sa mga bisitang nagbu-book ng mas matatagal na pamamalagi, magdagdag ng mga rekisito sa tagal ng biyahe, at higit pa, para makatipid ka ng oras bilang host. Matuto pa tungkol sa mga rule-set

Makakatulong sa iyo ang mas matatagal na pamamalagi na matugunan ang demand ng bisita, punan ang iyong kalendaryo, at bawasan ang mga kailangan mong gawin, habang tinutulungan ka pa ring makipag-ugnayan sa mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Mga Katangi-tanging Feature

  • I-update ang iyong kalendaryo para pahintulutan ang mas matatagal na pamamalagi

  • Sa pamamagitan ng pag-block ng isa o dalawang araw sa pagitan ng mga pamamalagi, makakapaghanda ka para sa mga susunod mong bisita

Airbnb
May 11, 2022
Nakatulong ba ito?