Sulitin ang kakayahan ng mga host na suportahan ang isa't isa
Mga Katangi-tanging Feature
Sa mga Host Club, makipag-usap at makipagtulungan sa mga lokal na host online at nang personal
Sa Community Center, makipag-ugnayan sa mga host na mula sa iba't ibang panig ng mundo at sa mga kinatawan ng Airbnb
Mahigit 4 na milyong host na ang nag-list ng mga patuluyan sa Airbnb simula noong 2007. Marami sa mga host na ito ang nagkaroon ng mga malalapitan at mahihingan ng tulong sa pamamagitan ng mga lokal na Host Club o Community Center ng Airbnb.
Sumali sa Host Club para sa lokal na suporta
Pinapangasiwaan ang mga Host Club ng mga host para sa mga host sa mga komunidad sa iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng mga pribadong grupo sa Facebook at mga pagtitipon. Kapag sumali ka sa lokal na Host Club, narito ang mga makukuha mo:
- Mga tip mula sa mga host na humarap na sa mga bagay na gaya ng mga regulasyon sa panandaliang matutuluyan sa lokalidad
- Mga pagtitipon nang personal at online na puwedeng maging daan para magkaroon ng mga makabuluhang ugnayan
- Eksklusibong access sa mga pinakabagong balita at update sa produkto ng Airbnb
- Mga referral ng potensyal na bisita mula sa mga host na nakakatanggap ng kahilingang hindi nila mapapaunlakan
- Diwa ng komunidad at tuloy-tuloy na suporta
“Kailan lang, may host sa komunidad namin na wala masyadong natatanggap na booking,” sabi ni Janvi na isang Lider ng Komunidad sa Kenya. “Sa loob lang ng ilang minuto, bumuhos ang mga tip mula sa iba pang host sa grupo para sa pagtatakda ng sulit na presyo kada gabi sa lugar, pagkuha ng lokal na photographer para makuhanan ng litrato ang patuluyan niya, at pagpapaganda sa mga dekorasyon niya. Nakakataba talaga ng puso na masaksihang nagkakaisa ang komunidad para suportahan ang isa't isa.”
Sumali sa usapan sa Community Center
Online forum ang Community Center ng Airbnb kung saan nagtatagpo ang mga bago at bihasang host na mula sa iba't ibang panig ng mundo. Nagiging bahagi ang mga host ng nagtutulungan at masiglang komunidad kung saan puwede silang:
- Maghanap ng mga dati nang usapan at makakuha ng mga tip tungkol sa maraming paksa
- Humingi ng payo kung paano humarap sa partikular na sitwasyon, halimbawa, kung paano tumugon sa mensahe o negatibong review ng bisita
- Magbahagi ng listing nila sa iba pang host para makakuha ng feedback at mga tip para sa pagpapahusay
- Makipagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagho‑host, gaya ng natanggap nilang nakakatuwang mensahe mula sa isang bisita o nararanasan nilang isyu sa kalendaryo
- Direktang magbigay ng feedback sa mga empleyado ng Airbnb
“Tatlong taon matapos kong magsimulang mag‑host, pumunta ako sa Community Center para maghanap ng solusyon sa isang partikular na problemang teknikal,” sabi ni Lawrene na host sa Nova Scotia, Canada. “Habang binabasa ko ang mga usapan, napagtanto kong marami sana akong naiwasang karaniwang problema kung mas maaga akong sumali rito.
“Komunidad talaga ito. Binubuo ito ng mga taong nagbibigay ng payo at suporta nang hindi nagtatago sa likod ng mga avatar at username. Mga tao silang matulungin at may malasakit sa iba. Napakaraming host dito na gusto kong bisitahin balang araw.”
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.
Mga Katangi-tanging Feature
Sa mga Host Club, makipag-usap at makipagtulungan sa mga lokal na host online at nang personal
Sa Community Center, makipag-ugnayan sa mga host na mula sa iba't ibang panig ng mundo at sa mga kinatawan ng Airbnb