Mga Kuwarto ang bagong paraan ng pagpapatuloy at pamamalagi sa mga pribadong kuwarto

Puwede kang magbahagi pa ng impormasyon tungkol sa sarili mo sa mga bisita sa iyong bagong Host Card.
Ni Airbnb noong Ene 17, 2024
4 na minutong video
Na-update noong Ene 17, 2024

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng Airbnb 2023 Release sa Mayo. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Matuto pa tungkol sa pinakabago naming release ng produkto.

Nagsimula ang Airbnb bilang abot‑kayang paraan para makapamalagi ang mga biyahero sa tuluyan ng ibang tao. Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng komunidad ng mga tao dahil sa mga host ng mga pribadong kuwarto, at natulungan nila ang mga bisita na makatuklas ng mga bagong lugar nang parang lokal.

Ngayon, nais ng mga tao na makabiyahe nang hindi nabubutasan ng bulsa, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya. At makalipas ang ilang taong pagdistansya ng mga tao sa isa't isa dahil sa pandemya, naghahanap sila ng mga paraan para makisalamuha sa iba at magkaroon ng mga tunay na karanasan.

Kaya naman ipinakikilala namin ang Mga Kuwarto, ang bagong disenyo para sa dati nang mga pribadong kuwarto. Kasama sa mga upgrade ang:

  • Host Card para makilala ka ng mga bisita bago sila mag‑book

  • Bagong kategoryang Mga Kuwarto at mga inayos na filter sa paghahanap para mas madaling makatuklas ang mga bisita ng mga pribadong kuwarto

  • Mga bagong detalyeng may kaugnayan sa privacy para sa kapanatagan ng loob ng lahat

Host Card

Sinabi sa amin ng mga bisita na gusto nilang malaman kung sino ang makakasama nila sa tuluyan bago sila mag‑book ng pribadong kuwarto. Gamit ang Host Card, mas marami ka nang paraan para magpakilala sa mga bisita. Kumukuha rin ito ng mga detalye mula sa profile mo at itinatampok nito ang mga iyon sa mga resulta ng paghahanap at sa listing mo.

Una mong mapapansing pagbabago ang paglabas ng litrato sa profile mo sa sulok ng pangunahing litrato ng iyong listing. Puwede iyong i‑tap o i‑click ng bisita para mabuksan ang Host Card mo at malaman ang ilang detalyeng ibinahagi mo tungkol sa iyong sarili.

Isasaad sa itaas ng Host Card mo ang iyong pangalan, kung ilang taon ka nang nagho‑host, ang star rating mo, at ang bilang ng review ng mga bisita. Sa ibaba ng mga iyon, may mga bagong seksyon sa profile mo kung saan puwede kang magbahagi ng iba pang detalye. Halimbawa, kung saan ka nakatira, mga hobby mo, pangalan ng alagang hayop mo, mga trivia tungkol sa iyo, at kung bakit natatangi ang pamamalagi sa patuluyan mo.

I‑edit ang iyong profile para mapili mo ang litrato at impormasyong ibabahagi mo. Baka mapansin mo ring may bagong format ang mga dati nang seksyon sa profile ng host, kaya mainam na tiyaking maisasaad ang trabaho, mga wikang ginagamit, at lokasyon mo sa paraang gusto mo.

Alamin ang mga tip sa pagkuha ng magandang litrato para sa Host Card

Kategoryang Mga Kuwarto

Madaling matutuklasan ng mga bisita ang listing mo sa bagong kategoryang Mga Kuwarto na nasa itaas ng homepage. Sa inayos na filter sa paghahanap, mas madali na ring makakahanap ng mga pribadong kuwarto, buong property, at lahat ng uri ng tuluyan. Nakasaad sa filter ang average na presyo ng anumang pipiliin ng bisita.

Simula Mayo 3, kailangang matugunan ng listing mo ang lahat ng pamantayang ito para maisama iyon sa kategoryang Mga Kuwarto:

  • May sariling pribadong kuwarto na may pinto ang bisita.

  • May magagamit na pribado o pinaghahatiang banyo ang bisita.

  • May magagamit ang bisita na kahit man lang isang common space, gaya ng kusina, sala, o likod‑bahay.

  • Ginagamit ng host ang sarili niyang pangalan sa listing niya sa halip na pangalan ng negosyo o iba pang pangalan.

  • Pinili ang “Pribadong kuwarto” bilang uri ng listing o kuwarto sa mga setting ng listing mo.

  • Hindi pinaghahatiang kuwarto, hotel, resort, tent, campervan, hiwalay na unit (gaya ng bungalow sa bakuran), o anupamang uri ng property na nasa listahang ito ang pribadong kuwarto.

Hindi mahahanap ng mga bisita sa mga resulta ng paghahanap o sa mga page ng listing bilang Mga Kuwarto ang mga listing na hindi nakakatugon sa mga bagong pamantayang ito. Puwede kang pumili ng bagong uri ng listing o i‑update ang listing mo para makatugon iyon sa mga pamantayang ito. Kung gusto mong idagdag o alisin sa kategoryang Mga Kuwarto ang listing mo, puwede kang magpadala ng kahilingan sa Suporta sa Komunidad.

Privacy at kaginhawahan

Kadalasang sinusuri ng mga bisitang nagba‑browse ng mga listing ng pribadong kuwarto ang mga detalye na makakatulong sa kanilang maging komportable at panatag. Para matulungan kang magtakda ng mga dapat asahan, inilagay namin ang impormasyong ito sa mas mataas na puwesto sa page ng listing mo:

  • Kung may lock ang pinto ng kuwarto. Inaasahan ng mga bisita na maila‑lock nila ang kanilang pinto. Kung walang lock ang pribadong kuwarto, pag‑isipang maglagay noon.

  • Kung pribado, nakatalaga, o pinaghahatian ang banyo. Para sa lahat ng listing sa Airbnb, kailangang may magagamit ang mga bisita na banyong may lababo, toilet, at shower o tub. Puwede na ngayong itampok sa listing mo kung pribado at nakakonekta, nakatalaga (pribado pero kailangang dumaan sa pinaghahatiang lugar, gaya ng pasilyo), o pinaghahatian ang banyong magagamit ng bisita.

  • Kung may iba pang taong maaaring nasa property. Gustong malaman ng mga bisita kung may makakasalamuha silang ibang tao sa kanilang pamamalagi, gaya ng iba pang bisita, mga kapamilya, o mga kabahay. Para maiwasang hindi tumugma ang inaasahan ng mga bisita sa madadatnan nila, maglagay ng mga detalye kung sino ang maaaring nasa tuluyan.

  • Kung gaano kadalas ang pakikisalamuha sa iba na dapat asahan. Kadalasang natutuwa ang mga bisita na makasama ang mga host na makakatulong sa kanilang makilala ang kanilang destinasyon nang parang lokal. Puwede mong isaad kung gaano katagal mo gustong makasama ang mga bisita sa pamamalagi nila.

Para i‑update ang mga detalyeng ito, pumunta sa seksyong Mga kuwarto at lugar sa listing mo.

Sisimulang ilunsad ngayong linggo ang Mga Kuwarto at ang 25 upgrade para sa mga host bilang bahagi ng Airbnb 2023 Release sa Mayo.

Airbnb
Ene 17, 2024
Nakatulong ba ito?