Isinusulong ng Airbnb at mga host ang pangangalagang pangkalusugan at edukasyon

Ang suporta ng Host Club sa Seoul sa lokal at pandaigdigang pag‑unlad.
Ni Airbnb noong Nob 8, 2024
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Nob 8, 2024

Mga Katangi-tanging Feature

  • Tumutukoy ang mga Host Club ng mga nonprofit na gusto nilang mabigyan ng donasyon kada taon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad.

  • Magpapamahagi ang Airbnb ng USD100 milyon sa mga organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo hanggang 2030.

  • Bukas na ang nominasyon para sa Pondo para sa Komunidad sa taong 2024.

Noong 2014, gumawa ng malaking desisyon si Hojin at ang asawa niya: Umalis sila sa trabaho nila sa pagmamanupaktura ng electronics sa Seoul para maglakbay sa mundo. Sa loob ng sumunod na taon, nag‑explore sila sa 30 bansa sa limang kontinente sa pamamagitan ng pamamalagi sa mga tuluyan na naka‑list sa Airbnb sa bawat binisita nilang lugar. 

Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga host, nahikayat silang gumawa ng mga katulad na karanasan para sa iba pang biyahero. Naging Airbnb host siya. Ngayon, may tatlong listing na sa Seoul ang mag‑asawa kung saan mahigit pitong taon na silang nagpapatuloy ng mga bisita.

“Naniniwala kaming nakakatulong ang paglalakbay sa paglago ng mga tao at may positibong epekto ito sa mga komunidad na tinitirhan nila,” ayon kay Hojin.

Higit pa sa pagho‑host ang pagtutuon ni Hojin sa komunidad. Bilang Lider ng Komunidad ng Host Club sa Seoul, ninomina ni Hojin ang Good Neighbors International na makatanggap ng donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad. Bawat taon, may pagkakataon ang mga miyembro ng Club na suportahan ang mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng Pondo para sa Komunidad

Nakakaabot ang pandaigdigang nonprofit para sa pagtulong at pagpapaunlad na nakabase sa Seoul sa 42 bansa, kabilang ang pagpapatakbo sa 52 sangay ng serbisyo sa kapakanan ng mga bata sa South Korea. Layunin nilang wakasan ang kahirapan, protektahan ang mga karapatan ng mga bata, at sumuporta sa mga nakakapagsarili at ingklusibong komunidad. 

Nahikayat si Hojin na Lider ng Komunidad ng Host Club sa Seoul na maging Airbnb host pagkatapos niyang lakbayin ang mundo.

Ang tulong na naihahatid ng mga Host Club

Dahil sa nominasyon ng Host Club sa Seoul, nakatanggap ang Good Neighbors International ng USD75,000 na donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad. Makakasuporta ang donasyon sa mga pagsisikap ng organisasyon para mapabuti ang edukasyon sa buong mundo at access sa pangangalagang pangkalusugan at maiinom na tubig.

Nahikayat din ang mga miyembro ng Club sa pagsisikap ng organisasyon sa komunidad sa South Korea tulad ng pagbibigay ng mga produkto para sa regla sa kabataan, at pinaplano nilang magboluntaryo.

Nagbigay ng nominasyon ang mahigit 50 Host Club para sa mga nonprofit sa iba't ibang panig ng mundo upang makatanggap ang mga ito ng mga donasyon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad sa taong 2023. Bukas na ang nominasyon para sa mga donasyon mula sa Pondo para sa Komunidad sa taong 2024. Makipag‑ugnayan sa lokal na Host Club para matuto pa tungkol dito.

Sumali sa lokal na Host Club para sa pagkakataong makatulong

Magnomina ng nonprofit na bibigyan ng donasyon mula sa Pondo para sa Komunidad sa taong 2024 hanggang Hunyo 7.
Humanap ng Host Club

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Mga Katangi-tanging Feature

  • Tumutukoy ang mga Host Club ng mga nonprofit na gusto nilang mabigyan ng donasyon kada taon mula sa Pondo ng Airbnb para sa Komunidad.

  • Magpapamahagi ang Airbnb ng USD100 milyon sa mga organisasyon sa iba't ibang panig ng mundo hanggang 2030.

  • Bukas na ang nominasyon para sa Pondo para sa Komunidad sa taong 2024.

Airbnb
Nob 8, 2024
Nakatulong ba ito?