BUOD NG INSURANCE

Insurance para sa Host sa Japan

Ano ang Insurance para sa Host sa Japan?

Saklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang mga sitwasyon kung saan nagkaroon ang Host* ng pananagutan o iba pang gastos kaugnay ng pinsala sa katawan o pag‑aari ng iba dahil sa pagpapagamit ng tuluyan sa pamamagitan ng Airbnb platform. Saklaw rin ang mga sitwasyon kung saan nakatamo ng pinsala ang Host dahil napinsala ang property na pag‑aari niya bunga ng pamamalagi ng Bisita*. Sa mga sitwasyon kung saan napinsala ang property na pag‑aari ng Host dahil sa pamamalagi ng Bisita, malalapat ang pagsaklaw ng insurance kapag hindi naresolba ng Host at Bisita ang isyu at nakipag-ugnayan sa Airbnb ang Host.Isang programa ng insurance na sineseguro ng Sompo Japan Insurance Inc. ang Insurance para sa Host sa Japan.Hindi kailangang magbayad ng mga Host ng mga premium ng insurance para matanggap ang benepisyo ng programang Insurance para sa Host sa Japan.Sumangguni sa sumusunod na impormasyon tungkol sa pagsaklaw ng Insurance para sa Host sa Japan.

Sakop na panahon ng insurance

This insurance period of the current insurance program is from July 31, 2024 to July 31, 2025.

Saklaw at mga kondisyon

Saklaw at mga kondisyon ng pag‑apply para sa Insurance para sa Host sa Japan

Kabayaran para sa pinsala sa property na pag‑aari ng HostAlinsunod sa mga naaangkop na tuntunin, kondisyon, at pagbubukod, babayaran ayon sa pagsaklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang pagkasira ng Listing* at personal na pag‑aari ng Host* na dulot ng pamamalagi ng Bisita*. Ayon sa mga karagdagang pagsaklaw na nakasaad sa ibaba, maaaring magbigay ng pagsaklaw ng insurance kaugnay ng pinsala sa Listing na inuupahan ng Host o ipinagkatiwala sa kanya para pangasiwaan.Kabayaran para sa pananagutan ng Host sa pinsala sa katawan o pag‑aariSaklaw rin ang mga Host ng Insurance para sa Host sa Japan kapag nagkaroon sila ng pananagutan kaugnay ng pinsala sa katawan o pag‑aari ng Bisita o iba pa sa panahon ng pamamalagi ng Bisita sa Listing na ipinareserba sa Airbnb platform at dulot ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan*.Kabayaran para sa mga ginastos ng Host dahil sa mga dapat niyang bayaran sa iba para maresolba ang mga aksidenteng nagdulot ng pinsala sa katawan o pag‑aariSa mga sitwasyon kung saan napagastos ang Host dahil sa kailangan niyang bayaran para maresolba ang aksidenteng nagdulot ng pinsala sa katawan o pag‑aari ng Bisita o iba pa, maaaring malapat ang Insurance para sa Host sa Japan para sagutin ang mga gastos ng Host. Para malapat ang pagsaklaw, kailangang dulot ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan ang aksidente at nangyari dapat ito sa panahon ng pamamalagi ng Bisita sa Listing na ipinareserba sa Airbnb platform. Nakadepende sa mga naaangkop na tuntunin, kondisyon, at pagbubukod ng polisa ng Insurance para sa Host sa Japan ang bawat pagsaklaw na nakasaad sa itaas.1. Saklaw na MatutuluyanSaklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang Listing na pag-aari, inuupahan, o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host para sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan.(*) Tumutukoy ang Listing sa mga pasilidad na inaprubahan ayon sa Hotel Business Act, sertipikado ayon sa National Strategic Special Zones Act, o ipinaalam ayon sa Housing Accommodation Business Act, o sa iba pang pasilidad kung saan nagpapatakbo ng katulad na negosyong matutuluyan. Gayunpaman, natutugunan dapat ang lahat ng sumusunod na rekisito:
  • Pag-aari, inuupahan, o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host ang mga pasilidad;
  • Naka-list sa website ng Airbnb ang mga pasilidad; at
  • Binu-book at ginagamit ng taong sumang-ayon sa mga kondisyon ng serbisyo ng Airbnb at gumamit sa website ng Airbnb ang mga pasilidad. Kabilang sa mga matutuluyang pasilidad ang mga mobile home, bus, campervan, treehouse, at iba pang pasilidad na nakaparada at ginagamit bilang matutuluyang pasilidad. Kabilang din ang mga bangka at sasakyang pantubig kung ginagamit ang mga iyon bilang matutuluyang pasilidad.
2. Host/mga Host(*) Tumutukoy ang mga Host sa mga taong nagpapatakbo ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan na may mga Listing at lisensyado o pinapahintulutan sa iba pang paraan na gawin ito alinsunod sa naaangkop na batas.3. Bisita/mga Bisita(*) Tumutukoy ang mga Bisita sa mga gumagamit sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan, kabilang ang mga inimbitahan ng gumagamit at ang mga kasabay na gumagamit sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan.(*) Tumutukoy ang Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan sa negosyong hotel na nakasaad sa Hotel Business Act (Batas Blg. 138 ng 1948), negosyong nakasaad sa National Strategic Special Zones Act (Batas Blg. 107 ng 2013), o negosyong matutuluyan na nakasaad sa Housing Accommodation Business Act (Batas Blg. 65 ng 2017), o iba pang katulad na negosyong matutuluyan, at sa anumang aktibidad na isinasagawa sa loob o labas ng nasabing Listing na nauugnay sa mga nabanggit na serbisyo.
Kabayaran para sa pinsala sa property na pag‑aari ng HostAlinsunod sa mga naaangkop na tuntunin, kondisyon, at pagbubukod, babayaran ayon sa pagsaklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang pagkasira ng Listing* at personal na pag‑aari ng Host* na dulot ng pamamalagi ng Bisita*. Ayon sa mga karagdagang pagsaklaw na nakasaad sa ibaba, maaaring magbigay ng pagsaklaw ng insurance kaugnay ng pinsala sa Listing na inuupahan ng Host o ipinagkatiwala sa kanya para pangasiwaan.Kabayaran para sa pananagutan ng Host sa pinsala sa katawan o pag‑aariSaklaw rin ang mga Host ng Insurance para sa Host sa Japan kapag nagkaroon sila ng pananagutan kaugnay ng pinsala sa katawan o pag‑aari ng Bisita o iba pa sa panahon ng pamamalagi ng Bisita sa Listing na ipinareserba sa Airbnb platform at dulot ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan*.Kabayaran para sa mga ginastos ng Host dahil sa mga dapat niyang bayaran sa iba para maresolba ang mga aksidenteng nagdulot ng pinsala sa katawan o pag‑aariSa mga sitwasyon kung saan napagastos ang Host dahil sa kailangan niyang bayaran para maresolba ang aksidenteng nagdulot ng pinsala sa katawan o pag‑aari ng Bisita o iba pa, maaaring malapat ang Insurance para sa Host sa Japan para sagutin ang mga gastos ng Host. Para malapat ang pagsaklaw, kailangang dulot ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan ang aksidente at nangyari dapat ito sa panahon ng pamamalagi ng Bisita sa Listing na ipinareserba sa Airbnb platform. Nakadepende sa mga naaangkop na tuntunin, kondisyon, at pagbubukod ng polisa ng Insurance para sa Host sa Japan ang bawat pagsaklaw na nakasaad sa itaas.1. Saklaw na MatutuluyanSaklaw ng Insurance para sa Host sa Japan ang Listing na pag-aari, inuupahan, o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host para sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan.(*) Tumutukoy ang Listing sa mga pasilidad na inaprubahan ayon sa Hotel Business Act, sertipikado ayon sa National Strategic Special Zones Act, o ipinaalam ayon sa Housing Accommodation Business Act, o sa iba pang pasilidad kung saan nagpapatakbo ng katulad na negosyong matutuluyan. Gayunpaman, natutugunan dapat ang lahat ng sumusunod na rekisito:
  • Pag-aari, inuupahan, o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host ang mga pasilidad;
  • Naka-list sa website ng Airbnb ang mga pasilidad; at
  • Binu-book at ginagamit ng taong sumang-ayon sa mga kondisyon ng serbisyo ng Airbnb at gumamit sa website ng Airbnb ang mga pasilidad. Kabilang sa mga matutuluyang pasilidad ang mga mobile home, bus, campervan, treehouse, at iba pang pasilidad na nakaparada at ginagamit bilang matutuluyang pasilidad. Kabilang din ang mga bangka at sasakyang pantubig kung ginagamit ang mga iyon bilang matutuluyang pasilidad.
  • 2. Host/mga Host(*) Tumutukoy ang mga Host sa mga taong nagpapatakbo ng Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan na may mga Listing at lisensyado o pinapahintulutan sa iba pang paraan na gawin ito alinsunod sa naaangkop na batas.3. Bisita/mga Bisita(*) Tumutukoy ang mga Bisita sa mga gumagamit sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan, kabilang ang mga inimbitahan ng gumagamit at ang mga kasabay na gumagamit sa Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan.(*) Tumutukoy ang Negosyong Pagpapagamit ng Tuluyan sa negosyong hotel na nakasaad sa Hotel Business Act (Batas Blg. 138 ng 1948), negosyong nakasaad sa National Strategic Special Zones Act (Batas Blg. 107 ng 2013), o negosyong matutuluyan na nakasaad sa Housing Accommodation Business Act (Batas Blg. 65 ng 2017), o iba pang katulad na negosyong matutuluyan, at sa anumang aktibidad na isinasagawa sa loob o labas ng nasabing Listing na nauugnay sa mga nabanggit na serbisyo.

    Pagsaklaw ng insurance

    Japan Host Insurance may provide coverage of up to ¥300,000,000 JPY if property or a listing owned by the Host is damaged due to the guest’s stay. It may also provide coverage of up to ¥100,000,000 JPY where the Host incurs liability or expenses in relation to property damage or bodily injury of the guest or third party.

    Mga hindi sinasaklaw

    Mga pangunahing bagay na hindi saklaw ng Insurance para sa Host sa Japan (mga probisyong nauugnay sa kabayaran para sa pinsala sa property na pag‑aari ng Host)
    Mga bagay na hindi kasama sa Listing:
    • Currency, pera, mamahaling metal sa anyong bareta, mga note, o mga security.
    • Lupain, katubigan, o anupamang materyal sa lupa o sa ibabaw ng lupa. Gayunpaman, hindi ito nalalapat sa mga pagpapaganda sa lupa na kinabibilangan ng landscape gardening, mga kalsada, at mga bangketa (pero nalalapat ito sa anumang idinagdag na lupa o lupang nasa ilalim ng nasabing ari‑arian) o sa tubig na nasa loob ng anumang nakasarang tangke, anumang sistema ng mga tubo, o anupamang kagamitan sa pagpoproseso.
    • Mga hayop, kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga pambukid at alaga.
    • Mga buhay na punongkahoy at aanihin.
    • Sasakyang pantubig, sasakyang panghimpapawid, spacecraft, at satellite. Gayunpaman, hindi ito nalalapat sa anumang sasakyang pantubig na ginagamit bilang Listing sa halip na sasakyan.
    • Mga sasakyan. Gayunpaman, hindi ito nalalapat sa anumang sasakyang ginagamit bilang Listing sa halip na sasakyan.
    • Mga minahan o lagusan ng minahan sa ilalim ng lupa o anumang pag‑aaring nasa loob ng mga nasabing minahan o lagusan.
    • Mga dam, dike, at levee.
    • Ibinibiyaheng pag‑aari.
    • Mga linya ng transmisyon at distribusyon na lampas 305 metro ang layo sa Listing.
    • Mga pangunahing sitwasyon kung saan walang matatanggap mula sa insurance:
    • Digmaan, paggamit ng puwersa ng ibang bansa, pag‑aalsa, pag-agaw sa gobyerno, digmaang sibil, armadong rebelyon, o iba pang katulad na insidente o kaguluhan.
    • Pinsalang dulot ng radyasyon, pagsabog, o iba pang pinsalang dulot ng reaksyong nukleyar o pagkasira ng atomikong nucleus ng materyal na panggatong o pinagkukunang nukleyar, elementong radyoaktibo, radioisotope, o materyal na kontaminado ng naturang materyal, o ng aksidenteng dulot nito, hindi kasama ang mga reaksyong nukleyar o pagkasira ng mga atomikong nucleus ng mga radioisotope na para sa paggamit na medikal, pang-agham, o industriyal.
    • Terorismo.
    • Aktwal o banta ng mapaminsalang paggamit ng nakakalasong biyolohikal o kemikal na materyal.
    • Pinsalang natamo bago o matapos mamalagi ang Bisita sa Listing na ipinareserba sa Airbnb platform.
    • Pinsalang dulot ng pananadya o matinding kapabayaan ng mga Host.
    • atbp.

  • Mga pangunahing sitwasyon kung saan walang matatanggap mula sa insurance (mga probisyong nauugnay sa kabayaran para sa magiging pananagutan at gastos ng Host)

    • Digmaan, paggamit ng puwersa ng ibang bansa, pag‑aalsa, pag-agaw sa gobyerno, digmaang sibil, armadong rebelyon, o iba pang katulad na insidente o kaguluhan.
    • Pinsalang dulot ng radyasyon, pagsabog, o iba pang pinsalang dulot ng reaksyong nukleyar o pagkasira ng atomikong nucleus ng materyal na panggatong o pinagkukunang nukleyar, elementong radyoaktibo, radioisotope, o materyal na kontaminado ng naturang materyal, o ng aksidenteng dulot nito, hindi kasama ang mga reaksyong nukleyar o pagkasira ng mga atomikong nucleus ng mga radioisotope na para sa paggamit na medikal, pang-agham, o industriyal.
    • Pinsalang dulot ng pananadya ng mga Host.
    • Mga gastos o pananagutan sa mga kamag-anak na nakatira kasama ng mga Host, maliban sa mga sitwasyon kung saan nagkaroon ang Host ng pananagutan o gastos dahil sa dapat niyang bayaran sa mga kamag-anak na iyon kaugnay ng pinsala sa Listing na inuupahan o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host.
    • Mga gastos o pananagutang dahil sa pisikal na kapansanang natamo ng mga empleyado ng mga Host habang nagtatrabaho para sa mga Host.
    • Sa mga sitwasyon kung saan may espesyal na kasunduan ang Host at iba pang tao tungkol sa kabayaran para sa mga pinsala, tutukuyin ang pananagutan batay sa naturang kasunduan.
    • Mga gastos para sa mga aksidente o pananagutang dulot ng wastewater o emisyon.
    • Mga gastos para sa mga aksidente o pananagutang dahil sa propesyonal na serbisyo ng mga abogado, rehistradong abogadong mula sa ibang bansa, sertipikadong pampublikong accountant, accountant sa buwis, arkitekto, tagadisenyo, tagapagsiyasat ng lupa at pabahay, tagapagtala sa hukuman, tagapagtalang administratibo, beterinaryo, o iba pang taong katulad nila.
    • Mga gastos para sa mga aksidenteng dulot ng o pananagutang dahil sa pagmamay-ari, paggamit, o pangangasiwa ng anumang sasakyang panghimpapawid, kotse, o sasakyang pantubig o sasakyang nasa labas ng Listing, hindi kasama ang anumang pinsalang dahil sa paggamit o pangangasiwa ng kotse o sasakyang pantubig o sasakyang nasa labas ng pasilidad habang ginagamit bilang Listing ang naturang kotse o sasakyang pantubig o sasakyang nasa labas ng pasilidad.
    • Mga gastos para sa mga aksidenteng dulot ng o pananagutang dahil sa konstruksyon ng Listing na inuupahan o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host, gaya ng pagpapaayos, pagpapalaki, o pagpapagiba, maliban na lang kapag Host ang nagpasya at gumawa.
    • Mga gastos para sa mga aksidente o pananagutang dahil sa pagkasira ng Listing na inuupahan o ipinagkatiwala para pangasiwaan ng Host na dulot ng mga lindol, pagputok ng bulkan, pagbaha, tsunami, o mga katulad na kalamidad, maliban na lang kapag sunog ang sanhi ng pinsala.

  • Mga paghahabol sa insurance

    Abiso tungkol sa aksidente

    Kung may mapansin ang Host na pinsala sa katawan o pag‑aari ng bisita o third party, dapat niyang abisuhan kaagad ang Airbnb dahil maaaring nalalapat ang insurance. Gayundin, kung may mapag-alaman ang Host na pinsala sa property na pag‑aari niya, dapat niyang abisuhan ang Airbnb kapag hindi sila nagkasundo ng Bisita sa pagresolba sa sitwasyon sa loob ng 72 oras mula nang unang nakipag-ugnayan sa Bisita dahil maaaring nalalapat ang insurance.

    Kahilingan para sa paghahatid ng polisa ng insurance

    May mga tuntunin, kondisyon, limitasyon, at pagbubukod ng polisa ng insurance na hindi kasama sa buod na ito ng Insurance para sa Host sa Japan. Para humiling ng kopya ng polisa ng insurance, makipag-ugnayan sa Aon Japan Ltd. at ibigay ang impormasyon ng Airbnb account mo.

    Nagsesegurong kompanya ng insurance

    Sompo Japan Insurance Inc.