Mag-host ng karanasan sa Airbnb
Kumita ng pera sa paggabay sa mga tao sa mga aktibidad na gustong-gusto mo.
Ano ang karanasan?
Isa itong aktibidad na mas malalim kaysa sa karaniwang tour o klase, na siyang idinisenyo at pinangungunahan ng mga lokal mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ipagmalaki ang iyong lungsod, sining, layunin, o kultura sa pamamagitan ng pagho-host ng isang karanasan.
Gumawa ng aktibidad sa paraang gusto mo
Gumawa ng aktibidad sa paraang gusto mo
Food trip nang nagbibisikleta, light photography sa gabi, tapas sa isang bangka, o yoga (na may kasamang mga kambing). Gumawa at mangasiwa ng isang natatanging aktibidad na nais subukan ng mga tao.
Gawin ang gusto mo (at mabayaran)
Gawin ang gusto mo (at mabayaran)
Maghanap ng street art o mag-surf sa paglubog ng araw, kumita mula sa hilig mo. Kumita ng pera nang parang hindi nagtatrabaho.
Kumuha ng mga suporta para sa iyong layunin
Kumuha ng mga suporta para sa iyong layunin
Mag-guide ng hike nang may kasamang mga asong tagasagip, o magturo tungkol sa fashion na may etika. Magpalaganap ng kaalaman tungkol sa iyong adhikain sa bagong paraan.
Ipakita ang alam mo
Ipakita ang alam mo
May iba't ibang uri ng Karanasan, tulad ng pagluluto, gawaing‑kamay, pagka‑kayak, at marami pang iba. Walang limitasyon sa puwede mong gawin. I‑explore ang mga itinatampok na kategoryang ito.
Kultura & Kasaysayan
Ibahagi ang kuwento sa likod ng mga sikat na landmark sa iyong lungsod.
Pagkain at Inumin
Mag-host ng isang food trip, klase sa pagluluto, karanasan sa pagkain, at higit pa.
Kalikasan & Outdoor
Pangunahan ang mga hike sa kalikasan, water sports, mga aktibidad sa bundok, at marami pa.
Kami ang bahala sa iyo, sa bawat hakbang
Kami ang bahala sa iyo, sa bawat hakbang
Mga sangguniang tulad ng mga artikulo at insight na ginawa para sa mga pangangailangan mo sa pagho‑host, 24/7 na customer support para sa iyo at sa mga bisita mo, exposure para sa Karanasan mo, at marami pang iba para matulungan kang palaguin ang negosyo mo.
Mga Gawain
Pag-iiskedyul
Mga Pagbabayad
Mga Insight
Mga tool na naayon para sa iyo
Isang dashboard para mabigyan ka ng mga insight, feedback sa kung paano magpahusay pa, visibility sa mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng paghahanap at mga filter, walang aberyang pagbabayad, at marami pang iba.
Saklaw rin ng AirCover para sa mga Host ang mga Karanasan
Saklaw rin ng AirCover para sa mga Host ang mga Karanasan
Nagbibigay ang AirCover para sa mga Host ng hanggang $1M na Insurance sa pananagutan para sa mga Karanasan sa bihirang pagkakataon na may masaktang bisita habang nasa Karanasan sa Airbnb. Palaging kasama at palaging libre.
Paano magsimula
Paano magsimula
Narito ang maikling overview ng proseso, mula umpisa hanggang katapusan.
1Alamin ang mga pamantayan sa kalidad
1
Tiyaking nakakatugon ang karanasan mo sa aming sukatan para sa kadalubhasaan, access ng insider, at koneksyon.
2Isumite ang Karanasan mo
2
Magbahagi ng paglalarawan at mga de‑kalidad na litrato tungkol sa mga naiisip mong ideya para maipamalas kung ano ang puwedeng asahan sa Karanasan mo.
3Mag‑host
3
Susuriin ang Karanasan mo at kung maaprubahan ito, puwede ka nang magdagdag ng mga petsa sa kalendaryo mo at magsimulang tumanggap ng mga bisita.
Mga madalas na itinatanong
Kailangan ko bang mag-host ng tuluyan upang mag-host ng isang karanasan?
Hindi. Hindi mo kailangang i-host ang mga bisita nang magdamag sa iyong patuluyan o lugar upang maging host ng karanasan.
Ilang oras ang dapat na ilaan?
Maaari kang mag-host gaano kadalas mo man gusto—huwag mag-atubiling isaayos ang iyong mga petsa at oras hanggang sa mahanap mo ang pinakamainam para sa iyo.
Kailangan ko ba ng lisensya sa negosyo?
Depende sa mga nauugnay na aktibidad, maaaring mangailangan ang ilang karanasan ng lisensya sa negosyo. Tiyaking basahin ang mga lokal na batas sa iyong lugar upang matukoy kung aling mga lisensya ang maaaring kailanganin para sa iyong karanasan, lalo na kung may kinalaman sa pagkain, alak, o transportasyon. Alamin pa