Paano gumawa ng magandang paglalarawan ng iyong patuluyan
Kasama sa pinakamaiinam na paraan para makahikayat ng mga bisita ang pagbibigay ng magandang paglalarawan. Hindi mo kailangang maging mahusay na manunulat. Kailangan mo lang ipaalam sa mga tao kung ano ang dapat asahan sa iyong lugar.
Para makapagsimula, pumili ng hanggang dalawang inilaang katangi-tanging feature, at magmumungkahi kami ng pambungad na linya. Halimbawa, kung pipiliin mo ang "Tahimik" at "Sopistikado," maaari naming imungkahi ang "Mag-enjoy at magrelaks sa tahimik at sopistikadong tuluyan na ito."
Isang ideya lang ang pambungad na linyang iyon at magsisilbing inspirasyon ito para sa iyo. Inirerekomenda naming palitan mo ang aming linya gamit ang sarili mong mga salita, at magdagdag ng iba pang mahahalagang detalye tungkol sa iyong tuluyan. Kaya mo 'yan!
Subukan ang mga tip na ito para gumawa ng sarili mong nakakaengganyong paglalarawan ng iyong patuluyan:
1. Itampok ang mga espesyal na feature. Magkakaiba ang bawat tuluyan, kaya ibahagi kung ano ang kakaiba sa tuluyan mo. Halimbawa:
- Mayroon bang sapat na kagamitan sa kusina? “Magluto ng simpleng meryenda o handa para sa salu-salo sa kusinang may kumpletong kagamitan.”
- Kamangha-mangha ba ang tanawin? "Panoorin ang paglubog ng araw sa lawa habang nagrerelaks sa aming mga upuang nasa tabi ng bintana."
- Nag-aalok ba ito ng madaling pag-access? "Maa-access ang aming walang baitang na pasukan na may malawak at sementadong daan mula sa driveway."
2. Maging partikular. Maglagay ng mga praktikal na detalye na makakatulong sa mga bisita na magplano nang maaga. Dapat mong ipaalam sa simula pa lang ang tungkol sa anumang kakaibang katangian ng iyong tuluyan para maitakda ang mga dapat asahan. Halimbawa:
- Couch ba ang isa sa iyong mga higaan? "May springy at queen-size na kutson ang pull-out na sofa."
- Matatagpuan ba ito sa maingay na lungsod? “Napapalibutan ng lahat ng dapat puntahan ang patuluyan namin, kaya asahan ang ilang ingay ng trapiko sa lungsod.”
- Hindi ba maganda ang signal ng phone? “Walang pampublikong serbisyo papunta sa tuluyan, kaya mainam na i-print ang mga direksyon papunta rito bago bumiyahe.”
3. Ibahagi ang kuwento ng iyong patuluyan. Habang nagbibigay ng mga detalye, iparamdam sa mga bisita na sila ang bida sa sarili nilang paglalakbay. Halimbawa:
- Naibalik ba sa dating anyo nito ang antigong paliguan? “Magbabad sa clawfoot tub para makapagrelaks.”
- Naglagay ka ba ng birdfeeder? “Babatiin ka ng mga ibon paggising mo sa umaga!”
4. Tiyaking maikli lang ito. Magsulat ng maikling paglalarawan na nakatuon sa mga mahalagang detalyeng hindi mo nabanggit. Halimbawa:
- Ipinagmamalaki mo ba ang mga larong pinili mo? “Magtuos sa chess, maglaro ng board game, o subukan ang mga coloring book namin—may katuwaan para sa lahat!”
- May marangyang higaan ka ba? “Hihimbing ang tulog mo sa memory foam na kutson at sapin sa kama na gawa sa Egyptian cotton.”
Tandaang puwede mong i-update ang iyong paglalarawan sa ibang pagkakataon. Mas pinagaganda ng maraming host ang paglalarawan ng kanilang tuluyan habang tumatagal.