Mga bagong pahintulot ng co‑host at simpleng payout

Itakda kung ano ang maa‑access ng mga co‑host at magbahagi ng mga payout sa Airbnb.
Ni Airbnb noong Hun 11, 2024
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Hun 11, 2024

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng Airbnb 2023 Release sa Mayo. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Alamin ang tungkol sa aming pinakabagong release ng produkto.

Sa tulong ng co‑host, maaaring mas gumaan at maging mas nakakatuwa ang pagho‑host. Puwedeng kapitbahay, kapamilya, o kaibigan mo sila, o kaya ay taong kukunin mo para tumulong sa iyo. Matutulungan ka ng mga co‑host na pangasiwaan ang kalendaryo mo, i‑update ang listing mo, at tumugon sa mga bisita.

Sinabi mo sa aming gusto mong matukoy kung ano ang puwedeng i‑access ng mga co‑host sa listing mo at magbahagi ng mga payout mula sa mga booking sa mga co‑host mo sa Airbnb mismo. Na‑update na namin ang mga tool ng co‑host para mas mapadali ang pagho‑host.

Paghahanap sa iyong mga tool ng co-host

Pumunta sa tab na Mga Listing at pumili ng listing. Mag-scroll sa seksyong Mga co‑host para i‑access ang impormasyon tungkol sa mga co‑host mo, itakda ang mga pahintulot nila, at i‑set up ang kanilang mga payout.

Puwede ka ring mag‑imbita ng mga bagong co‑host. Kung gusto nilang tanggapin ang imbitasyon mo, kailangan nila ng account sa Airbnb.

Mag‑imbita ng co‑host, itakda ang mga pahintulot niya, at iangkop ang imbitasyon mo sa bagong seksyon na Mga co‑host.

Pagtatakda ng mga pahintulot para sa mga co‑host

Kapag nag‑imbita ka ng co‑host, papapiliin ka kung ano ang puwede niyang i‑access para makatulong sa pangangasiwa sa listing mo. Kabilang sa mga opsyon ang:

  • May access sa lahat, para pangasiwaan ang kalendaryo at listing, mag‑alis at magtakda ng mga pahintulot ng iba pang co‑host, magpadala ng mensahe sa mga bisita, suriin ang mga payout at talaan ng transaksyon, at magsumite at mangasiwa ng mga kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos sa ngalan mo sa Resolution Center at sa ilalim ng proteksyon sa pinsala para sa host *

  • May access sa kalendaryo at pagpapadala, para suriin ang kalendaryo at magpadala ng mensahe sa mga bisita

  • May access sa kalendaryo, para suriin ang kalendaryo at mga detalye sa pag‑check in at pag‑check out

Lalabas ang lahat ng co‑host bilang mga co‑host sa listing mo, maliban sa mga may access sa kalendaryo lang. Puwedeng itakda ng mga co-host na may access sa lahat ang kanilang mga sarili bilang pangunahing host sa listing, o puwede mong piliin na gawin ito. Puwede mong baguhin anumang oras ang pahintulot ng mga co‑host.

Pagbabahagi ng mga payout sa mga co‑host sa Airbnb

Puwede mong piliing magbahagi ng porsyento ng mga kita mo sa isa o higit pang co-host. Kapag nakapagtakda ka na ng pagbabahagi ng payout at nagkumpirma na ang co‑host mo, makakatanggap siya ng mga payout para sa mga booking pagkatapos mag‑check in ng mga bisita. May mga limitasyon sa pagbabahagi ng mga payout sa ilang lokasyon. Alamin ang higit pang detalye

Kasama ang mga tool ng co-host sa Airbnb 2023 Release sa Mayo na may 25 upgrade para sa mga host.

Pangasiwaan ang mga pahintulot at payout ng co‑host

I-update na

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artilulong ito mula noong na-publish ito.

*Hindi magagawa ng mga co‑host ng mga listing na nasa Japan na magsimula, mangasiwa, o maglutas ng mga kahilingan tungkol sa mga napinsala o nawalang item sa Resolution Center o ng mga kahilingan para sa pagbabalik ng nagastos ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host sa ngalan ng mga host.

Hindi polisa ng insurance ang proteksyon sa pinsala para sa host. Hindi nito pinoprotektahan ang mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan sa Japan kung saan nalalapat ang Insurance para sa Host sa Japan. Para sa mga host na nag‑aalok ng mga tuluyan sa mainland China, nalalapat ang Plano para sa Proteksyon ng Host sa China. Nakasaad sa USD ang lahat ng limitasyon sa pagsaklaw.

Para sa mga listing sa estado ng Washington, saklaw ng polisa ng insurance na binili ng Airbnb ang mga obligasyon ng Airbnb ayon sa proteksyon sa pinsala para sa host. 

May nalalapat na mga tuntunin, kondisyon, at limitasyon sa proteksyon sa pinsala para sa host maliban sa mga host na sa Australia nakatira o nagnenegosyo. Para sa mga host na iyon, nakadepende ang proteksyon sa pinsala para sa host sa mga tuntunin, kondisyon, at limitasyon na ito.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Hun 11, 2024
Nakatulong ba ito?