Pagkansela sa panahon ng iyong pamamalagi
Kung may anumang hindi inaasahan na matutuklasan sa panahon ng pamamalagi mo, inirerekomenda naming magpadala muna ng mensahe sa iyong host para mapag-usapan ninyo kung ano ang puwedeng solusyon. Malamang na tulungan ka niyang ayusin ito kaagad. Kung gusto mong humiling ng refund o kanselahin ang iyong reserbasyon, matutulungan ka naming magsimula ng kahilingan sa iyong host.
Magpadala ng mensahe sa iyong host
Karaniwang mainam na subukan mo munang makipag-usap sa iyong host. Puwede kang direktang magpadala ng mensahe sa iyong host mula sa inbox mo para magtalakay ng solusyon. Kung mapagkasunduan ninyo ng host kung paano ito lutasin, mas malaki ang posibilidad na maaprubahan ang kahilingan mo. Kung naayos na ng iyong host ang iyong isyu at puwede mong ipagpatuloy ang pamamalagi mo, laktawan ang mga sumusunod na hakbang.
Magsimula ng kahilingan sa loob ng 24 na oras
Kung kailangan mo pa ring kanselahin ang iyong reserbasyon sa panahon ng pamamalagi mo, matutulungan ka naming magsimula ng kahilingan sa iyong host para malutas ang isyu. Kapag ginawa mo ito, mapipili mong hilingin sa iyong host na ayusin ang problema, humiling ng bahagyang refund, o hilinging kanselahin ang iyong reserbasyon para ma-refund nang buo. Kung tatanggapin niya ang iyong kahilingan, ipapadala ang refund sa paraan ng pagbabayad na ginamit mo noong nag-book ka ng reserbasyon. Kung tatanggi o hindi tutugon ang iyong host, puwede kang humingi ng tulong sa Airbnb.
- Magtipon ng katibayan: Kung posible, kumuha ng mga litrato o video para idokumento ang mga isyu tulad ng kulang o sirang amenidad.
- Magsumite ng kahilingan sa iyong host: Ilarawan ang isyu, magbigay ng mga litrato kung puwede, at ipaalam sa host kung paano mo ito gustong malutas. Mahalagang humingi ng tulong sa loob ng 24 na oras pagkatapos mong mapansin ang isyu. Kung hindi, posibleng maapektuhan ang halaga ng iyong refund.
- Hintayin ang kanyang tugon: Kung tatanggi siya o siya hindi tutugon sa loob ng 1 oras, puwede kang humingi ng tulong sa Airbnb. Sasangguni ang Airbnb sa Patakaran sa Pag-refund sa Bisita para matulungan kang lutasin ang isyu.
Mga kaugnay na artikulo
Paghiling ng refund
Kailangan mo ba ng refund? Bilang unang hakbang, magpadala ng mensahe sa iyong host para maitama ito. Kung hindi niya ito maaayos, puwede ka…- Bisita
Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund
Basahin ang Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund. - Bisita
Humiling ng refund
Dapat pangasiwaan ang mga kahilingan para sa refund, magkano man ang mga ito, sa pamamagitan ng Resolution Center.