Lumaktaw sa nilalaman
    Mag-navigate pasulong para ma-access ang mga iminumungkahing resulta
    Update tungkol sa COVID-19
    Para mahanap ang mga opsyon sa pagkansela at pag-refund, pumili ng reserbasyon sa page na Mga Biyahe. Sa ilang partikular na reserbasyon lang nalalapat ang aming patakaran sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kung pagkalipas ng Setyembre 15 ang iyong petsa ng pag-check in, bumalik dito sa Agosto 15, 2020 para malaman ang update.

    Ano ang ilang tip sa kaligtasan para sa mga bisita ng mga lugar na matutuluyan?

    Narito ang ilang tip para tulungan kang makapagbiyahe nang may kumpiyansa.

    Maghanap at mag-book nang may kumpiyansa

    Makuha ang eksaktong hinahanap mo sa pamamagitan ng paggamit sa aming maraming filter sa paghahanap tulad ng presyo, uri ng tuluyan, at mga amenidad. Nakita mo ba ang listing na gusto mo? Siguraduhing basahin nang maigi ang profile ng host at paglalarawan ng listing—lalo na ang mga amenidad, mga alituntunin sa tuluyan o patakaran sa pagkansela.

    Basahin ang mga rating at review

    Tingnan ang feedback ng nakaraang mga bisita para mahanap ang babagay sa iyo. Makikita mo ang mga rating sa iba't-ibang sukatan ng kalidad, tulad ng kalinisan at katumpakan, at mga detalyadong review na may kapani-paniwalang feedback. Makakapag-iwan lang ng review ang mga bisita matapos silang mamalagi sa partikular na host na iyon, kaya't ang feedback na nakikita mo ay batay sa mga aktwal na karanasan.

    Suriin ang mga pangkaligtasang feature ng tuluyan

    Kapag nag-book ka ng matutuluyan sa Airbnb, dapat mong suriin ang impormasyon kung may isinaad bang smoke o carbon monoxide detector ang host sa matutuluyan. Makikita mo ang mga detalyeng ito sa page ng listing sa ilalim ng Mga Amenidad.

    Hindi karaniwan ang mga carbon monoxide detector sa maraming bahagi ng mundo, kaya iminumungkahi naming bumili nito para dalhin mo kapag bumibiyahe ka, lalo na kung walang nakalista sa tutuluyan mo. Narito ang isang halimbawa ng nabibitbit na carbon monoxide detector.

    Makuha ang mga sagot sa iyong mga katanungan

    Ang aming siguradong tool sa pagpapadala ng mensahe ay isang ligtas at madaling paraan para sa iyo na magtanong sa isang potensyal na host ng anumang mga tanong na mayroon ka bago ka mag-book. Pagkatapos mag-book, maaari mo ring padalhan ng mensahe ang iyong host para isaayos ang pag-check in, magtanong tungkol sa mga karagdagang bagay, at makipag-ugnayan lagi sa buong pagbibiyahe mo.

    Laging makipag-usap at magbayad sa Airbnb

    Panatilihing protektado ang iyong sarili, iyong pagbabayad, at iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pananatili sa ligtas na platform namin sa buong proseso—mula sa pakikipag-ugnayan, hanggang sa pagbu-book at pagbabayad. Hindi dapat kailanman hilingin sa iyo na magpadala ng pera, magbigay ng impormasyon sa credit card, o direktang bayaran ang host. Kung hiniling sa iyo, iulat ito sa amin kaagad.

    Magsagawa ng pangkaligtasang pagsusuri

    Kapag nakarating ka na sa iyong tutuluyan o karanasan, siguraduhing alam mo kung nasa saan ang lahat ng kaugnay na kagamitang pang-emergency at impormasyon sa kaligtasan. Kung hindi ka sigurado kung nasaan ang isang bagay tulad ng first aid kit o fire extinguisher, huwag mag-atubiling tanungin ang iyong host. Mas mainam na laging maging handa.

    Magsaliksik tungkol sa mga lokal na alert at babala sa pagbiyahe

    Magbibiyahe ka man sa Airbnb o hindi, mainam pa rin na magsaliksik nang mas maaga tungkol sa iyong destinasyon, at tiyakin sa iyong lokal na embahada kung may mga babala sa pagbibiyahe o mga espesyal na rekisito. Halimbawa, dapat makipag-ugnay ang mga biyahero mula sa United States sa Kagawaran ng Estado (State Department) para sa impormasyon sa visa at mga babala sa pagbibiyahe.

    Matuto pa sa aming page ng Tiwala at Kaligtasan.

    Tandaan: Sa isang emergency na sitwasyon, o kung ang iyong personal na kaligtasan ay nanganganib, makipag-ugnayan kaagad sa lokal na pulisya o mga serbisyong pang-emergency.

    Mga kaugnay na artikulo
    Natanggap mo ba ang tulong na kailangan mo?