Mag-host ng karanasan online
Sumali sa isang komunidad ng mga host na nagbubuklod sa mundo sa isang bagong paraan.
Sumali sa isang komunidad ng mga host na nagbubuklod sa mundo sa isang bagong paraan.
Ang mga Karanasan sa Airbnb ay mga nakakaengganyong aktibidad na idinisenyo ng mga lokal na humihigit pa sa mga karaniwang tour o klase. Ngayon, puwede ka na ring mag-host ng mga ganito para sa kahit na sino, kahit saan.

Mag-host mula sa tahanan
Ibahagi ang iyong kadalubhasaan at ipasilip ang iyong mundo.
Makakilala ng mga bisitang mula sa iba't ibang panig ng mundo
Paliitin ang mundo at gawin itong mas kaaya-aya.
Bumuo ng negosyo
Kumita habang ginagawa ang gusto mo nang may suporta mula sa Airbnb.
Ang proseso nito
Ang proseso nito
Kung isa ka nang host ng karanasan, maligayang pagbabalik! Para magsimulang mag-host online, kakailanganin mong gumawa ng bagong karanasan at isumite ito para masuri ayon sa proseso sa ibaba.
Kung isa ka nang host ng karanasan, maligayang pagbabalik! Para magsimulang mag-host online, kakailanganin mong gumawa ng bagong karanasan at isumite ito para masuri ayon sa proseso sa ibaba.
Buuin ang iyong karanasan
Nagsisimula ang lahat ng karanasan sa aming mga pamantayan sa kalidad—kadalubhasaan, access, at koneksyon. Ngunit isipin din kung paano makikipag-ugnayan sa mga bisita online, at bawasan hangga't maaari ang mga gamit na posibleng kailanganin nila para makasali. Kapag mayroon kang ideya, simulan ang proseso ng pagsusumite.

Ibahagi ang iyong ideya
Susunod, kakailanganin mong ilarawan ang iyong aktibidad para sa aplikasyon at magiging page ng iyong karanasan. Inirerekomenda naming ibahagi nang detalyado ang halaga ng inaalok mo, magsimula sa mas mababang presyo hanggang makakuha ka ng ilang review, at itakda ang haba sa 90 minuto o mas maikli pa.

Isumite ang iyong karanasan
Malapit ka nang matapos! Kapag nasa hakbang na Lokasyon ka na, lagyan ng tsek ang kahong Oo, isa itong karanasan online. Kapag kumpleto na ang lahat, maaari ka nang magsumite. Susuriin ito ng aming team at aabisuhan ka namin kung maaprubahan ito sa loob ng 2–4 na linggo.

Mag-set up at magsimulang mag-host
Habang naghihintay ka, maaari kang pumili ng lokasyong kumakatawan sa iyo at sa iyong aktibidad at magsimulang magplano para sa setup ng iyong camera, ilaw, at tunog. Maaari mo ring simulang pag-aralan ang platform para sa conference na Zoom. Huwag mag-alala, bago ka magsimulang mag-host, magbabahagi kami ng maraming masasanggunian para matulungan kang magtagumpay.

Paano ibinabahagi ng mga host ang kanilang mundo
Paano ibinabahagi ng mga host ang kanilang mundo
Dinadala ng mga host na ito ang diwa ng mga karanasan sa screen sa pamamagitan ng mga natatanging aktibidad para sa maliliit na grupo na gagawin nang sama-sama kahit magkakalayo tayo.
Kami ang bahala sa iyo
Kami ang bahala sa iyo
Hindi ka nag-iisa—magkakaroon ka ng access sa mga tool na nagbibigay ng kaalaman at mga oportunidad para matulungan kang umunlad bilang host at negosyante.
Mga Sanggunian
Mga tagubilin, tip, at trick para sa pagho-host ng mga matagumpay na karanasan online.
Mga kaganapan online
Magsanay sa sining ng pagho-host, online at offline.
Suporta sa komunidad
Makipag-ugnayan sa iba pang host sa pamamagitan ng mga grupo sa Facebook at mga pagtitipon.
Mga madalas itanong
Mga madalas itanong
Gagamitin mo ang form ng pagsusumite na para sa lahat ng uri ng karanasan. Kapag nasa hakbang na Lokasyon ka na, lagyan ng tsek ang kahong Oo, isa itong karanasan online. Pagkatapos, susuriin ng aming team ang isinumite mo sa lalong madaling panahon at aabisuhan ka namin kung maaprubahan ito sa loob ng 2–4 na linggo.
Sa mga pinakanakakaengganyo at komprehensibong karanasan online, kailangan lang maglaan ng 1-2 oras at kaunting kagamitan para makasali. Karaniwan ding mas mababa ang mga gastos para sa isang karanasan online kumpara sa mga gastos sa pagho-host nang personal, kaya dapat din itong makita sa iyong pagpepresyo. Kailangan din para dito ng camera at malakas na koneksyon sa internet para makapag-stream ka ng audio at video sa iyong karanasan.
Gagamit ka ng platform na tinatawag na Zoom na nagbibigay-daan sa lahat ng iyong bisita na sumali sa karanasan nang sabay-sabay, nagpapagana sa audio at video para makasalamuha ng lahat ang isa't isa, at nag-aalok ng iba pang tool na tutulong sa iyong pagho-host. Kapag naaprubahan na ang iyong karanasan online, makakatanggap ka ng imbitasyon na mag-sign up para sa isang libreng account sa Zoom. Pagkatapos mong mag-sign up, sumali sa isang pansubok na pulong para subukan ang iyong koneksyon sa internet at pag-aralan ang mga feature nito.
Tulad ng orihinal, sa pamamagitan ng mga Karanasan Online, naipapakilala ang mga bisita sa mga dalubhasang host, nagkakaroon sila ng paraan para makakilala at makasalamuha ng mga bagong tao, at mayroon silang magagamit na format na mainam para sa lahat ng naka-quarantine at nasa tahanan. Makakasali ang mga tao sa mga karanasan online mula sa tahanan o kahit saan sa mundo—ang kailangan lang nila ay koneksyon sa internet. Hindi nila kailangang magpunta sa isang partikular na lokasyon o magdala ng maraming bagay para makasali.