Kilalanin ang Airbnb

Maligayang pagdating sa komunidad ng pagbibiyahe ng Airbnb. Saan ka man pumunta, mayroon kaming lugar para sa iyo.

Isang lugar na matutuluyan para sa bawat biyahe

Naghahanap ka man ng isang treehouse para sa katapusan ng linggo o isang buong tuluyan para sa buong pamilya, makakaasa kang may mainit na tatanggap sa iyo. Sa likod ng bawat pamamalagi ay isang tunay na tao na nakakapagbigay sa iyo ng mga detalyeng kailangan mo para mag-check in at maging palagay ang loob sa tinutuluyan.

I-explore ang mga lugar na matutuluyan

Mga pambihirang karanasan

Hindi pangkaraniwang tour ang mga Karanasan sa Airbnb. Nasa biyahe ka man, tinutuklas ang iyong sariling lungsod, o nananatili sa bahay, matuto ng isang bagong bagay mula sa isang ekspertong host. Pumili mula sa mga klase sa pagsasayaw, paggawa ng pasta — maging yoga kasama ang mga kambing.

I-explore ang mga karanasan

Mga simpleng hakbang upang makapagsimula

Gumamit ng mga filter para mahanap ang pinakaangkop sa iyo

Iangkop ang iyong paghahanap gamit ang mga filter—tulad ng hanay ng presyo o pool—para makuha ang gusto mo.

Alamin ang mga detalye

Tingnan ang mga litrato. Pagkatapos, basahin ang mga review ng mga bisita mula sa mga nakaraang reserbasyon para magkaroon ng ideya tungkol dito.

Mag-book nang panatag ang kalooban

Pinapanatili naming ligtas ang iyong impormasyon at sinusunod namin ang mga pandaigdigang pamantayan sa seguridad sa pagpoproseso ng iyong mga pagbabayad.

Dumating at magsaya!

Magpadala lang ng mensahe sa iyong host kung mayroon kang anumang katanungan. Puwede din silang mag-alok ng mga lokal na tip at payo.

Ano ang naiiba sa Airbnb?

Isang pandaigdigang komunidad sa pagbibiyahe

Available ang Airbnb sa 191+ bansa, at tumutulong ang aming mga Pamantayan ng Komunidad na maitaguyod ang kaligtasan at pagiging tanggap ng lahat.

Mga host na tunay na nagmamalasakit

Mula sa mga tahanan hanggang sa mga hotel, ginagawa ng mga host ang lahat para maiparamdam sa iyo na tanggap ka kahit saan ka magpunta.

Nandito kami para sa iyo—araw man o gabi

Available sa 11 wika ang aming 24/7 na pandaigdigang suporta, na handang tumulong nasaan ka man.

Sagot ng Airbnb ang bawat biyahe

Sinasaklaw ng Patakaran sa Pag-refund sa Bisita ang maraming isyu sa pagbibiyahe, at muli ka naming ibu-book o magre-refund kami sa iyo kung may maganap na anumang isyu.

Mga karaniwang tanong

Ano ang ginagawa ng Airbnb tungkol sa COVID-19?

Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa aming pagtugon sa COVID-19 at mga sanggunian para sa mga bisita, kabilang ang mga update sa patakaran, mga paghihigpit sa pagbibiyahe, mga pleksibleng opsyon sa pagbibiyahe, at marami pang iba. Matuto pa

Ano ba talaga ang isang host?

Natatangi ang Airbnb dahil sa mga host. Isang tunay na tao ang nasa likod ng bawat pamamalagi na nagbibigay sa iyo ng mga detalyeng kailangan mo para mag-check in at nakakapagpalagay ng loob mo. Matuto pa

Anong impormasyon ang kailangan kong ibigay kapag magbu-book ako?

Bago mag-book sa Airbnb, hinihiling namin ang ilang impormasyon sa lahat ng gumagamit ng Airbnb, tulad ng iyong buong pangalan, email address, numero ng telepono, at mga detalye sa pagbabayad. Matuto pa

Paano ko babayaran ang aking reserbasyon?

Huwag kailanman magbayad sa labas ng Airbnb. Laging mag-book at magbayad para sa iyong reserbasyon nang direkta sa pamamagitan ng Airbnb. Sa ganoong paraan mapoprotektahan ka ng aming Mga Tuntunin ng Serbisyo sa mga Pagbabayad. Matuto pa

Mayroon ka bang karagdagang tip para sa ligtas na pagbibiyahe?

Mayroong ilang bagay na maaari mong gawin kapag nagbu-book sa Airbnb, tulad ng pagbabasa ng mga review mula sa mga nakaraang reserbasyon, pakikipag-ugnay at pagbabayad nang direkta sa pamamagitan ng Airbnb, at marami pang iba. Matuto pa

Tulong! Paano kung kailangan kong magkansela?

Kung kailangan mong magkansela dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari na wala sa iyong kontrol, maaari ka naming bigyan ng refund o maaaring ma-waive ang mga penalty sa pagkansela. Matuto pa

Nakatulong ba ang impormasyong ito? ·